Press "Enter" to skip to content

₱716-M Cash Loans Aprubado Ng Pag-IBIG; Hanggang 80% Ng Kabuuang Kontribusyon Pwedeng Hiramin.

State-run Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) nagpahayag na nag apruba sila ng P716.26 million na halaga ng cash loan. Ito raw ay para pang ayuda sa mga miyembong apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Short-term loan

Sakop sa ₱716-M cash loan na halagang inapruba ng Pag-IBIG ang tinatawag na short-term loan(SLT). Pahayag ng Pag-IBIG, ang STL ay binubuo ng Calamity loan at Multi-purpose Loan (MPL) kung saan ang aplikasyon ay nasa 37,901 na miyembro.

₱716-M Cash Loans Aprubado Ng Pag-IBIG; Hanggang 80% Ng Kabuuang Kontribusyon Pwedeng Hiramin. 1
lamudi

Ayon sa Pag-IBIG, Ang programa ng STL ay tumatayong pondo kung saan ang mga kwalipikadong miyembre ay maaaring manghiram. Pag lilinaw nila, na hanggang 80% ng kabuuang savings ng isang member ang maaaring nitong hiramin.

Online application

Direktiba ng Pag-IBIG, maaaring mag apply ng loan ang aprubadong miyembro sa pamamagitan ng “online application”. Ito daw ay parehas na maaring gawin sa Calamity Loan at MPL. Ginawa ito upang hindi maapektuhan ng serbisyo nila ang kasalukuyang ECQ.

₱716-M Cash Loans Aprubado Ng Pag-IBIG; Hanggang 80% Ng Kabuuang Kontribusyon Pwedeng Hiramin. 2
queencityguide

Mula pa noong Abril 15, 2020 ay nakatanggap na ang ahensiya ng nasa 221,851 cash loan application sa kanilang Email. Umaasa naman daw ang ahensiya na marami pa sa kanilang miyembro ang kanilang matulungan.

Hangad din nila na madagdagan pa ang halaga na kanila ng na aprubahan habang nagpapatuloy ang proseso.

Ang dahilan

Pag suporta sa Gobyerno at maraming Pilipino sa panahon ng pandemic ang dahilan ng Pag-IBIG sa pag aapruba ng cash loans. Ito ay ayon kay Secretary Eduardo del Rosario ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

₱716-M Cash Loans Aprubado Ng Pag-IBIG; Hanggang 80% Ng Kabuuang Kontribusyon Pwedeng Hiramin. 3
bworldonline

Pag lilinaw ng ahensiya, maaring sarado ang kanilang mga opisina sa ngayon ngunit patuloy ang kanilang operasyon. Tumatanggap nga raw sila ng nasa 10,000 email applications sa isang araw. Nauunawaan daw nila ang pangangailangan ng kanilang mga miyembro at tutugunan ito sa abot ng kanilang makakaya.

Source: msn.com

One Comment

  1. Jesselyn Hilario Jesselyn Hilario April 21, 2020

    Paano po mag loan ng online

Leave a Reply

%d bloggers like this: