Press "Enter" to skip to content

10 OFW Na Covid Positive Sa Jeddah, Kinulong Ng Employer Sa Isang Villa

Isang OFW mula sa Jeddah, Saudi Arabia ang nanghihingi ng tulong ngayon mula sa gobyerno. Bunsod umano ito ng pag-aabandona sa kanila ng kanilang employer matapos na may magpositibo sa Covid ang isa sa kanilang mga empleyado.

Positibo sa Covid-19

Sa interview ng radio station, Dobol B sa OFW na si Elmer, sampu umano silang Pilipino na dinala sa isang villa o bahay. Lahat sila ay Covid positive. Ayon kay Elmer ay tila itinatago sila,

10 OFW Na Covid Positive Sa Jeddah, Kinulong Ng Employer Sa Isang Villa 2

“Napakahirap po ng kalagayan namin dito kasi sampu po kaming positive. Nilagay po kami sa isang villa para maitago po yata kami. Isang bahay po,”

Pilit pinagtatrabaho

Ayon pa sa OFW, bago pa man ito maapektuhan ng virus ay nagtatrabaho ito sa King Abdulaziz International Airport. Hinaing pa nito, mayroon nang pumanaw na isa sa mga kasama nito dala ng virus. At ang iba sa kanilang mga empleyado ay pilit na pinapapasok kahit pa man may banta ng covid sa kanilang pinagtatrabahuan.

“May n4m4t4y na rin pong isa sa amin eh. ‘Yung iba po sa amin sa compound, pinapapasok pa rin sa trabaho kahit alam nilang may COVID po kasi doon sa airport,” Elmer said.

Pagsisinungaling ng amo

Nakakatakot din ang ibinalita nito nang magsinungaling umano ang kanilang supervisor nang pumanaw ang isa sa kanilang katrabaho. Ang katrabaho nila na ito ay isang covid positive patient. Ang sinabi umano ng supervisor nila ukol sa medical information ng pumanaw na pasyente ay tiningnan ito ng nurse na syang pinabulaanan ni Elmer. Ayon kay Elmer, walang inilaan o binigay na medikal na atensyon sa kanilang katrabaho. Sumuko ang katawan nito mula sa sakit at pumanaw habang nakakulong sa kwarto.

Tulong

Sa kabilang banda ay maswerte si Elmer dahil nasa ospital ito at nagpapagaling. Ang nais nito ay mabigyan din ng tulong ang kanyang mga kasamahan na dumaranas nag sintomas. Ibinahagi din nito ang ilang pangyayari nang dumating ang Ministry of Health sa kanilang lugar,

“May dumating po na taga-MOH (Ministry of Health). Tinanong lang naman po kung okay sila. Sabi lang po nila may kaunting ubo, sipon. Tapos iyon lang po, wala na,”

Paglaban sa sakit

Ibinahagi din ni Elmer ang karanasan nito sa paglaban sa Covid. Aniya ay puros dUg0 ang sipon at plema na inilalabas nito. Maliban sa ubo ay nakakaramdam din ito ng pagkahingal.

Hangad na mapauwi

Hangad ni Elmer ang matulungan ang lahat nga Pinoy sa Jeddah at mapanagot ang maling pamamalakad ng mga kumpanyang humahawak sa mga Pilipino. Pagbabahagi nito,

“Sana po pauwiin na lahat ang mga Pilipino kasi po magkakahawa-hawa po kami. Kagabi po pala may dinala dito na isa. Parang positive din po. Kasamahan ko rin po. Parang nabaliw na rin po sabi ng nurse,”

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: