Press "Enter" to skip to content

$100 Lespu: Grab Rider Inabutan Ng Checkpoint Pulis Ng $100 Bilang Tulong

Isang Grab Food/Express driver ang viral ngayon sa social media matapos itong magpost ng $100 na binigay sakanya ng isang pulis sa checkpoint sa Espanya imbes na ticket nung nahuli siya.

Pasasalamat

Dahil pakiramdam niya hindi siya masyadong nakapagpasalamat, minabuti ni Joshua Read na idaan sa isang Facebook post ang kanyang kwento. Sabi niya sa simula, “Sir, sana mabasa mo ito”

$100 Lespu: Grab Rider Inabutan Ng Checkpoint Pulis Ng $100 Bilang Tulong 2

Ikinwento niya na may pipick-upin siyang pagkain sa Sta. Mesa nung may madaanan siyang checkpoint. Habang nakapila siya sa checkpoint, nakita daw niya na may rider na sumingit sa harang. Sinundan naman niya ito sa pagaakalang pede.

Dito na siya nasita ng pulis at nilapitan. Katakot takot na sermon ang inabot niya sa pulis na nakaengwentro.

Paghingi ng tawad

Wala naman siyang nagawa kundi humingi ng tawad dahil talagang hindi naman niya sinasadya.

SIR: Nakita mo nang may harang sumingit kapa din?

Ako: Sorry sir ang akala kopo kasi pede magpainspect sa side nato.

SIR: Akin na lisensya mo para matuto ka, matitigas talaga ulo nyo ah!

SIR: Oh sa airport to ah, tapos may pangkuha ka ng motor pero wala kang pangtubos ng lisensya mo?

Ako: Sorry po sir kinuha kolng naman po yung motor dahil nahirapan ako magcommute papuntang school na tondo to pasay tapos papunta pa ng trabaho ko sa shakeys dati.

Mabuting pulis

Dito na raw naiyak si Joshua dahil masama na daw talaga ang araw niya kanina pa dahil sa mga hindi magandang karanasan sa mga deliver niya. Ang pulis naman ay bumunot ng sa likod ng bulsa niya akala ni Joshua ay titiketan siya, pero nagabot ito ng $100.

SIR: Oh eto($100), tulong ko sayo.

Ako: Ay sir sainyo napo yan pasensya lang naman po hinihingi ko sainyo.

SIR: Tanggapin mona. Tulong ko sayo yan, gusto ko magtapos ka ha! Ipangako mo sakin!

Dahil sa gulat, naiyak na si Joshua kaya dali dali na rin siyang nagpasalamat at umalis. Hanggang daw doon sa paghahatiran niya ng pagkain ay umiiyak siya.

Kaya naman minabuti niya na idaan sa Facebook post ang kanyang pasasalamat. Agaran naman itong shinare ng mga netizens upang makaabot kay $100 Lespu.

“Sir! Kung alam molang kung gano kona katagal pinipigilan tong mga luha ko dahil sa mga nangyari sakin netong mga nagdaang araw, sa mga problema tsaka mga bagay bagay na iniisip ko gabi gabi. Ikaw lang pala magpapaiyak sakin! Naiiyak kona lahat lahat nakagaan na sa pakiramdan ko, dahil sayo yun sir! Alam ko na naging pabaya ko sa pagaaral ko noon kaya may mga dapat akong balikan, pero pinapangako ko sayo yan lalo na sa magulang ko makakapagtapos din ako! Magkikita pa tayo sir sana makilala mo padin ako. Magiingat po kayo at pagpalain pa po kayo ng Diyos. Maraming salamat po!”

Source: Joshua Read

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: