Press "Enter" to skip to content

$100 Lespu Update: Sir Pala Talaga Ang Pangalan Niya!

Kamakailan lang nang ibinalita ang nagviral na post ni Joshua Basa kung saan binigyan siya ng $100 ng pulis na nakahuli sakanya imbes na tiketan siya. Muli nanaman nagviral ang kanyang pangalawang post nang sadyain niyang balikan si “sir”.

Sir pala ang pangalan

Ikinwento ni Joshua na dahil sa una niyang post, kaya daw umabot ito kay Sirjon Nacino na siyang nagbigay ng $100 nung unang daan niya. Sabi ni Nacino, may nagsabi daw sakanya ng tungkol sa post ni Joshua kaya naman nakita niya ito at nagchat siya kay Joshua.

$100 Lespu Update: Sir Pala Talaga Ang Pangalan Niya! 2

Ako: Buti Sir nakita niyo po yung pinost ko?

Sir: Oo sinabi lang sakin ng tropa ko. Bat nagdala kapa ng pagkain madami kami diyan pagkain oh. Iuwi mo nalang yan sa pamilya mo.

Tinanong ni Joshua kung nakaduty si Nacino upang mapuntahan at makapagpasalamat. Saktong nakaduty naman ito kaya pinuntahan ni Joshua sa post at pinagdalhan ng pagkain.

Malugod na pagtulong

Talagang bukal naman sa loob ni Nacino ang pagbigay ng dolyares at hindi rin nito tinanggap ang pagkaing dala ni Joshua. Ayon pa rito, ang dami daw nilang pagkain dun. Mabuti pa daw na iuwi nalang ni Joshua sa pamilya niya ang pagkain.

Ako: Hindi Sir bigay ko po yan sainyo tanggapin niyo na. Pasasalamat kolang po sainyo.

Sir: Hindi na, iuwi mo nalang yan sa bahay niyo sige na.

Ayaw niya talaga tanggapin yung binili ko, kaya diko na siya pinilit. Kaya nagkwentuhan nalang kami saglit.

Ako: Sir pano naman tayo umabot sa ganon, pasensya lang naman po hinihingi ko sainyo pano nyo po naisipan na tumulong?

Sir: Kasi ako dati pasok baon aral lang, kaya bilib ako sa inyong mga working student na kelangan pa magtrabaho para lang makapag aral.

Ako: Malaking tulong po talaga yung ginawa niyo sir hayaan nyo po magkikita pa po tayo. Babawi ako sainyo.

Pabiro nalang niya sinabi na “Tama yan, magkikita kita padin tayo sa finals!”

Source: Joshua Read

Sir. Sirjon Nacino👮‍♂Nagkita din kami ni Sir!Sir po pala talaga ang pangalan nyo, nagchat po siya sakin kaya nalaman…

Posted by Joshua Read on Saturday, May 16, 2020

Basahin ang naunang kwento dito:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: