Press "Enter" to skip to content

10,000 Na Mga Preso Lumaya Na, Dahil Sa Banta Ng COVID-19

Manila, Philippines – Aabot sa 10,000 preso ang pinayagan ng Supreme court na lumaya na para mabawasan ang mga bilanggo kasunod ng kinakaharap na crisis ng bansa sa Covid19 lalo na sa loob ng piitan.

Utos mula sa taas

Ito ay utos mula sa Chief Justice Diosdado Peralta ng pinakamataas na Hukuman. Ayon sa DILG Secretary na si Eduardo M. Año, ito ay matapos na isinusulong ang social restorative justice habang pinapagaan ang pasanin ng mga persons deprived of liberty (PDL).

10,000 Na Mga Preso Lumaya Na, Dahil Sa Banta Ng COVID-19 2
Photo credits: DWRS News

Dagdag pa dito, ito ay para mapagaan ang trabaho ng mga tauhan ng BJMP na nakabantay buong araw at gabi upang ipatupad ang mga mahigpit na bilin ng Department of Health (DOH) na panatiliing ligtas ang mga preso, sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ang sabi pa ni Año,

“Malaking tulong ito sa ating mga mahihirap at matatandang nakapiit sa ating mga pasilidad na mabigyan sila ng pagkakataong makapiling muli ang kanilang mga mahal sa buhay. Malaking ginhawa din ito sa ating mga tauhan sa BJMP dahil mababawasan ang kanilang mga alalahanin sa gitna ng banta ng COVID-19.”

Bilang ng mga pinalaya

Sa datos ng BJMP, apat sa 468 pasilidad nito sa buong bansa ang nag-ulat na ng 345 kaso ng COVID-19. Samantala, mahigit sa 3,000 PDL sa mga BJMP facilties maaaring palayain.

Ayon naman kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, Mayroong 3,000 PDLs sa buong bansa ang kwalipikado sa patakaran ng Korte Suprema at maaaring palayain sa oras na makatanggap ng court orders.

Dagdag pa ng DILG,

“Sa panig ng DILG, patuloy naming isusulong ang mga legal na paraan ng pagpapaluwag ng mga bilangguan. Kung anuman ang ipag-uutos sa amin ng korte at meron ng court orders para dito, yun naman po ang aming susundin.”

Pag sunod sa direktiba

Sa inlabas na direktiba ng Administrative Circular 39-2020, binabawasan ng nakaukol na piyansa ng mga naakusahan ng krimen na may pataw na reclusion temporal o 12 hanggang 20 taong pagkakakulong. Habang ang mga nahatulan ng anim na buwan pababa ay maaaring palayain base sa tinatawag na recognizance.

10,000 Na Mga Preso Lumaya Na, Dahil Sa Banta Ng COVID-19 3
Photo credits: DWRS News

Paliwanag pa ni Año, uunahin ng BJMP ang pagpapalaya sa mga kuwalipikadong PDL na may court order at kasalakuyang napipiit sa mga pasilidad ng BJMP na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 upang hindi na mahawa ang ibang PDL.

Winika pa ng kalihim,

“Kami ay nag-iingat upang hindi na kumalat ang virus sa apat na pasilidad at ipinatutupad ang contract tracing, mabilisang paghihiwalay ng mga suspected cases, at serbisyong medikal sa mga PDL, bukod pa sa mga hakbang na ipinatutupad sa mga BJMP facilities sa buong bansa.”

10,000 Na Mga Preso Lumaya Na, Dahil Sa Banta Ng COVID-19 4
Photo credits: Abante

Para naman sa mga hindi makakalaya, patuloy na ipatutupad ng BJMP ang mga hakbang upang huwag nang kumalat ang pandemya. Ito ay sa pamamagitan ng electronic dalaw (E-dalaw) at pagtatakda ng mga handwashing area at regular na disinfection ng mga pasilidad.

Source: Aljazeera

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: