Browse By

100,000 Dosis Ng Bakuna, Nasunog!

Mahigit pa sa 100,000 COVID-19 vaccine dosis ay nasira nung nasira ang maintenance at supply area ng gusali ng Department of Health (DOH) Integrated Provincial Health Office (IPHO) nuong linggo ng gabi sa siyudad ng Pagadian, Zamboanga del Sur.

Sa report ng Police Regional Office-9, nagsimula ang sunog nuong gabi ng Linggo sa control motor ng waterpump ng maintenance department at nilamon ang mga gusali ng Red Cross, DOH, at IPHO.

Umabot sa itaas na palapag ang usok kung saan nananatili ang ilang mga pasyente na may COVID-19 na may moderate sintomas, ngunit sila ay nakapagevacuate ng maayos at ligtas.

“About 100,000 of doses of vaccines were damaged because the fire started on the first floor of the provincial office where the cold storage and the vaccines were stored.”

– DOH-9 regional director, Dr. Joshua Brillantes

Nasirang bakuna

Photo Credits: Reuters.com

Base sa mga report, sinira ng sunog ang halos 9,176 dosis ng AstraZeneca, 14,400 dosis ng Moderna, 88,938 dosis ng Pfizer-BioNTech, at 36,164 dosis ng Sinovac.

Sinira rin ng sunog ang ibang bakuna para sa hepatitis, measles at polio.

Ayon kay Brillantes, si Secretary Carlito Galvez, ang National Task Force against COVID-19 chief implementer ay nakatuon sa transportasyon ng mga kinakailangang dosis ng mga bakuna upang mapanatili ang kanilang inoculation programs.

Pagsisimula ng imbestigasyon

Iimbesigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) kung may indikasyon ng foul play sa sunog, ayon kay Menardo Guevarra.

Photo Credits: Manila Bulletin

“We will wait for the initial assessment of the Bureau of Fire Protection (BFP). If there are any indications of foul play, I will request teh NBI regional office to step in.”

– Department of Justice Secretary, Menardo Guevarra

Tinatayang nasa P1.5 milyon ang pinsala ng BFP. Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Ayon kay DOH Undersecretary at pinuno ng National Vaccine Operation Center Myrna Cabotaje, nais nilang malaman kung bakit marami pa rin bakuna ang nilalagay sa Zamboanga del Sur provincial health office.

It (fire) is beyond us, it’s force of nature. But why did they still have so many vaccines? Didn’t they moved them? We will look into that and see who are accountable.”

– DOH Undersecretary ay pinuno ng National Vaccine Operation Center, Myrna Cabotaje

Ipinaliwanag ni Cabotaje na sa ilalim ng isang memorandum na binigay ng Department of the Interior and Local Government, ang mga bakuna ay kinakailangang ibigay sa loob ng tatlong araw pagkatapos matanggap ng lokal na government units.

Sinabi niya na ang ilan sa mga bakuna ay inilaan para sa Pagadian City at karamihan sa mga ito ay dapat ibigay bilang pangalawang dosis.

Source: Philstar

Leave a Reply

Your email address will not be published.