Press "Enter" to skip to content

#10YearsOf1D Trending Ngayon, Grupong One Direction Nagbabalik Sa Twitter!

Click na click ngayon ang #10YearsOfOneDirection sa Twitter dahil ipinagdiriwang ng mga taga-suporta ng sikat na British boy band na One Direction, ang kanilang ika-sampong anibersaryo sa industriya nitong ika-23 ng Hulyo. Dahil dito, animo’y bumalik ang mga ala-ala at mga kantang pinasikat ng grupo na talaga namang sinabayan ng mga tao saan mang panig ng mundo, noon at magpahanggang ngayon.

1D trending ngayon

Umabot ang trending hashtag na # 10YearsOf1D at # 10YearsOfOneDirection ng mahigit sa 64K na mga tweet isang araw bago pa ang kanilang anibersaryo. At ngayon, patuloy parin itong namamayagpag sa Twitter dahil sa milyon-milyong taga-hanga ng One Direction.

Upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo, ang grupong One Direction na madalas ding tawagin bilang 1D, ay muling nag-balik sa Twitter matapos ang  dalawang taong pagkalamig ng grupo.

Anila sa isang tweet,

Ang grupo noon

Ang sikat na English-Irish boy band na One Direction, ay nabuo noong 2010 sa show na X-factor na binubuo nina Niall Horan, Liam Payne, Harry Styles, Zayn Malik at Louis Tomlinson. Ngunit nalungkot ang mga tao nang nilisan ni Zayn ang banda noong taong 2015.

Nakapaglabas ang grupo ng limang album, kasama na ang Up All Night noong 2011, Take Me Home, Midnight Memories sa taong 2013, Four mula 2014, at ang Made in the A.M nitong 2015. At ang mga kanta kabilang ang What Makes You Beautiful, Best Song Ever at Drag Me Down, ay talaga namang tinaguriang “best hits of all time”.

As One Direction Marks 10th Anniversary, Fans Trend #10YearsOf1D on Twitter
Photo Credit: News18

Bukod sa pagiging paboritong banda ng maraming mga taga-hanga, ang One Direction ay nagwagi rin ng maraming mga parangal, tulad ng Brit Awards, MTV Video Music Awards, Billboard Music Awards, American Music Awards, Teen Choice Awards at marami pang iba.

Fans trend

Sa pagdiriwang ng mga tagahanga, binahagi nila ang paboritong mga kanta at lyrics, larawan, at iba pang mga alaala na nagpanumbalik sa kanilang pagmamahal para sa grupong One Direction.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tweet ng die-hard fans ng 1D:

Source: News18

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: