Press "Enter" to skip to content

12 Empleyado Nagpositibo Sa COVID-19; Opisina Ng LTO Isasara!

Quezon City, Philippines- Ang opisina ng Land Transportation Office (LTO) ay pansamantalang isasara. Ito ay matapos mag-positibo ang 12 empleyado ng nasabing tanggapan.

Ang dahilan ng pagsasara

Nagdesisyon ang tanggapan na ito na ipasara muna pansamantala ang kanilang opisina matapos lumabas ang resulta sa isinagawang swab testing para sa kanilang mga empleyado. Ayon sa pahayag ay sinabi na, sa mahigit na 100 empleyadong sumailalim sa nasabing rapid testing para sa COVID-19, ang 12 dito ay nag positibo sa resulta na lumabas noong Miyerkoles ika- 17 ng Hunyo.

“The LTO decided to suspend transactions at Central Office and Quezon City Licensing Office this afternoon until Friday in order to disinfect the premises and make sure that the possible transmission of the coronavirus is contained,” ayon sa pahayag ng opisina.

Ang health and safety

Sinabi din ni LTO chief, assistant secretary Edgar Galvante ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang empleyado maging ng mga taong kanilang pinagseserbisyuhan ang pinakamahalaga. Sa pag suspending ito ay layuning masiguro na ang banta sa pagkalat ng nasabing virus ay tanging nasa loob ng kanilang opisina lamang. Magsasagawa din umano nang disinfection at rapid testing para sa iba pa nilang mga empleyado.

Ang Safety- COVID-19
Photo Credit: Rappler

“The health and safety of our employees, as well as those of the public whom we are serving is important. We have suspended operations in order to make sure that the threat of spreading the coronavirus at our offices is contained. We are now conducting disinfection as well as further testing on all of our employees,” dagdag pa ni LTO chief, assistant secretary Edgar Galvante.

Ang suspensiyon

Ang suspensiyon ng opisina ay aabot hanggang ngayong Biyernes at kung matapos diumano ang pagsailalim sa rapid testing nang lahat ng mga empleyado ng LTO Centeral Office at ng Quezon City Licensing Office, gayundin ay kung malaman ang resulta, ay muling babalik ang operasyon nito sa ika-22 ng Hunyo. Ang 12 empleyado na nag positibo ay sasailalim na sa reverse transcription polymerase chain reaction test at hihintayin na lamang ang resulta.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: