Press "Enter" to skip to content

13th Month Pay Ng Mga Public School Teachers Ibibigay Na Ngayong Mayo

Marso 21 – Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na handa na ang 13th month pay ng mga guro sa pampublikong paaralan. Nakatakda itong ibigay sa Mayo 15.

13th month pay

Dahil sa patuloy na krisis na kinakaharap ngayon ng bansa, napagdesisyonan ng pamunuan ng DepEd na ibigay na ang 13th month pay ng mga guro. Ito ay bilang karagdagang tulong sa ating mga guro sa mga pampublikong paaralan. Inanunsyo ito ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla sa isang press briefing.

13th Month Pay Ng Mga Public School Teachers Ibibigay Na Ngayong Mayo 2

Ito ay bukod pa sa mga ibang assistance na naunang ng naibigay ng nasabing ahensya. Alam ng nasabing ahensya ang dagok na dulot ng COVID-19 crisis, kung kaya naman nakahanda itong umalalay sa ating mga guro.

“Ang ating 13th month pay ay atin ng pinoproseso at ready na rin for release by May 15,”- Sevilla

Sahod at clothing allowance

Dagdag pa rito, sinabi niya na nai-release na ang sahod ng mga guro para sa buwan ng Marso at Abril at kasalukuyan na rin pinoproseso ang para sa buwan ng Mayo. Sinabi din ni Sevilla na pinoproseso na ng ahensya ang performance-based bonus ng mga ito. Sa katunayan, may ilang rehiyon na ang nakatanggap nito.

13th Month Pay Ng Mga Public School Teachers Ibibigay Na Ngayong Mayo 3

Ibinida rin ni Sevilla na naipamahagi na ng DepEd ang clothing allowance sa lahat ng kanilang empleyado. Nagkakahalaga ito ng P6,000 na siyang malaking tulong rin sa mga guro.

Lockdown

Sa kasalukuyan, nasasailalim ang buong Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa lockdown. Ito ay upang mapigilan ang paglala ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Dahil dito, halos lahat ng mamamayan ay natigil ang araw araw na normal na pamumuhay.

Dasal ng lahat na matapos na ang krisis na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. Ito ay upang makabalik na sa normal ang buhay ng mga mamamayan.

13th Month Pay Ng Mga Public School Teachers Ibibigay Na Ngayong Mayo 4

Sa ngayon, nadagdagan na naman ng 140 na bagong kaso ang COVID-19. Kung kaya umabot na sa 6,599 ang kumpirmadong positibo sa naturang sakit. Dagdag pa rito, 437 na ang namamatay habang 654 naman na ang bilang ng gumaling na.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: