Press "Enter" to skip to content

14 Patients Na Positibo Sa Covid-19, Pinauwi Sa QC!

Labin-apat na pasyenteng positibo sa Covid-19 ang naibalitang pinauwi sa QC. Ayon sa balita ni 24-Oras reporter Saleema Refran ngayong Lunes ng gabi, pinauwi ang mga labin-apat na pasyente dahil sa kakulangan ng pasilidad sa lungsod.

Kulang sa pasilidad

Apat sa labin-apat na pasyente ay naibalitang nakatira sa urban poor communities sa Quezon City. At isa rito ay isang kidney patient na nangangailangan na sumailalim sa dialysis, dalawang beses sa isang linggo. Dagdag pa riyan, problema din ang social distancing sa lungsod ayon ito sa Quezon City epidemiology and surveillance unit head na si Rolando Cruz. Nang bisitahin umano ang mga pasyente sa kanilang mga bahay ay hindi umano sumusunod sa social distancing ang mga nasabing pasyente. Aniya,

14 Patients Na Positibo Sa Covid-19, Pinauwi Sa QC! 2

“Nakikita namin na walang home quarantine o self-quarantine na nangyari doon sa loob ng bahay,”

Dagdag pa nito,

“Nandoon sila with their families, wala man lang nakasuot ng face mask so that’s dangerous.”

Social distancing

Inusig ni Cruz ang mga tao na magsagawa ng social distancing sa kanya kanyang mga kabahayan upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bawat pamilya. Lalo na sa mga nakatira sa urban poor communities sa kanilang lungsod. Aniya ay mahalaga na masunod ang utos ng gobyerno sa social distancing hindi lamang sa mga pampublikong lugar.

Pagbabahagi nito,

“We cannot have COVID patients in urban poor communities. Sasabog ‘tong (pandemic) na ’to kung we will continue to do that.”

Hope 1

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng QC, pito sa mga pasyente ay inilipat sa Hope 1, isang alternative medical facility habang ang dialysis patient naman ay inilipat sa ibang ospital. Sinabi naman ni QC Spokesperson na si Pia Roces-Morato na pinauwi ang ibang pasyente base sa protocol ng Department if Health. Ayon sa DOH Memorandun 2020-0108, ang mga persons under investigation o (PUI) at mga pasyenteng positibo sa covid-19 ngunit nagpapakita ng mild symptoms ay maaaring pauwiin sa kanilang mga kabahayan at magsagawa ng self-isolation at dapat na mamonitor pa din ng local health authorities.

“persons under investigation (PUIs) and positive COVID-19 patients who exhibit mild symptoms with no co-morbidities and non-elderly are advised to be sent home for strict self-isolation and close monitoring by local health authorities.”

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: