Press "Enter" to skip to content

18 “Dancing Inmates” Bagong Nag Positibo Sa COVID-19 Sa Cebu City Jail!

Cebu City- Kung saan 18 dancing inmates ang bagong nag positibo sa COVID-19 sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPRDC) . Ang mga ito ay ilan lamang sa 37 na bilang na naitala sa kanilang probinsya ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia.

Ang mga preso

April 29, nang maiulat na ang mga nasabing dancing inmates ay nakaranas di umano ng ilang sintomas. Sintomas kagaya na lamang ng trangkaso ayon pa din sa nasabing gobernador.

18 dancing inmates positibo
Photo credits: GMA

Ang mga nasabing mga preso naman ay agad nang inilipat ng lokasyon. Ito ay upang i-isolate sa ibang pasilidad nang hindi na ito makahawa pa sa iba pang mga preso. Nakilala ang nasabing mga preso ng Provincial Detention and Rehabilitation Center dahil sa tawag na the “dancing inmates”.

Naitalang positibo

Sa ngayon ay mayroon ng naitalang 454 na kaso na nag positibo sa nasabing virus ng lungsod, kasama pa ang 14 na gumaling. Mayroon din naman 6 na naitalang namatay sa probinsya din ng CEBU noong martes ayon sa Department Of Health (DOH).

18 dancing inmates positibo
Photo credits: Mindanaopolitics

Ang nasabing mga preso ay bukod pa sa mahigit 200 na nag positibo din sa mga ilan pang City Jail. Matatandaang una nang naiulat ng BJMP na mayroong iba pang naging kaso ng COVID-19 sa ibang kulungan, gaya na lamang sa Mandaue Jail na kabilang sa Cebu.

Maging sa Quezon City Jail, Correctional Institution for Women, New Bilibid Prison sa lungsod naman ng Muntilupa ay may naitalang mga positibo rin..

Pansamantalang paglaya

Sa nagsisik-sikang sitwasyon ng mga preso ay maaring mas mabilis na tataas ang bilang ng magiging infected. Ito ay kung patuloy na kakalat ang sakit sa loob ng bawat kulungan. Kaya naman may ilang mga preso ang humihingi ng pansamantalang paglaya partikular ang may mga mababang kaso.

18 dancing inmates positibo
Photo credits: filpress

Hiniling naman na iprayoridad sa pagpapalaya ang mga matatanda na mas madaling mahahawaan ng sakit. Ito ang naging panawagan naman ni Senator Leila De Lima.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: