Press "Enter" to skip to content

18 OFW Sa Saudi Arabia, Sibak Na Nga Sa Trabaho, Tinaboy Pang Parang Mga Aso

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang pagtataboy sa 18 OFW sa Saudi Arabia ng kanilang employer matapos itong magsara dahil pa rin sa banta ng COVID-19 at umiiral na lockdown. Kinuwelyuhan, hinablot at itinulak pa ang ilan sa kanilang mga kasama sa gitna ng kanilang mainit na pag-uusap habang kinukuha ang kanilang mga gamit na itinapon sa kalsada na animo’y basura.

Bastos na HR Personnel

Nangyari ang insidente sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa kumuha ng video na si Mark Jason Blancaflor, nauna na silang pinalayas sa kanilang accommodation dahil nalugi na ang kanilang pinapasukang fast food chain ngunit hindi pa nakuntento ang HR Personnel nila at pati sa sinakyan nilang van ay pinababa rin sila.

18 OFW Sa Saudi Arabia, Sibak Na Nga Sa Trabaho, Tinaboy Pang Parang Mga Aso 2
Photo Credits: Youtube

Makikita sa video ang paglapit ng isa sa mga pinoy matapos magtawag ng kumukuha ng video ng kasamahan na marunong magsalita ng Arabic. Sa kalagitnaan ng kanyang pakikipag-usap at pilit na pag-abot sa mga natitira niya pang gamit sa loob ng van, agad siyang hinablot sa likod ng Arabong sinasabing HR Personnel nila sa trabaho at pilit siyang itinulak palabas. Bagay na hindi nagustuhan ng kanyang mga kapwa pinoy na walang magawa kundi magtimpi lamang ng kanilang mga galit at idaan na lang sa hiyaw ang kanilang mga nararamdaman.

Hindi maka-taong trato sa mga OFW

Sa mga susunod pang pagkakataon ay pag-iinitan naman ng Arabong HR ang isa sa mga pinoy na kumukuha din ng video at muling babalikan ang isa pa na nauna na niyang sinaktan dahil muli nitong pinilit na kunin ang gamit sa loob ng van.

18 OFW Sa Saudi Arabia, Sibak Na Nga Sa Trabaho, Tinaboy Pang Parang Mga Aso 3
Photo Credits: Youtube

Mas matinding sakit ng katawan ang kanyang inabot matapos siyang hilahin at ipagtulakan palayo ng arabo.

Hindi nabigo sa panawagan

Sa isang sa live video na i-shinare ni Blancaflor kinabukasan, makikita na malaking tulong ang pag-viral ng video nila sa social media dahil naiparating ang kanilang hinaing sa awtoridad at agad silang nasaklolohan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) Riyadh noong ika-30 ng Mayo.

18 OFW Sa Saudi Arabia, Sibak Na Nga Sa Trabaho, Tinaboy Pang Parang Mga Aso 4
Photo Credits: Facebook

Nabanggit din sa naturang live video na nakausap nila ang kanilang lokal na ahensya na Staffhouse International Resources.

Panuorin rito ang video:

Source: Youtube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: