Press "Enter" to skip to content

183 Brgy Officials, Iimbestigahan Sa Kasong Korapsyon Sa Cash Assistance

Nahaharap sa maraming reklamo ng korapsyon sa pamimigay ng financial assistance o ayuda ang 183 na barangay officials. Ito ay ayon sa datos na ibinahagi ng Department of Interior and Local Government.

Pabuya

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, bumuhos ang reklamo sa kanilang tanggapan matapos ianunsyo ng pangulong Duterte ang pagbibigay ng pabuya na P30,000. Ito ay sa makakapagturo ng mga kumpirmadong balita ng pangungurakot ng isang opisyal sa gitna ng pandemic.

183 Brgy Officials, Iimbestigahan Sa Kasong Korapsyon Sa Cash Assistance 2

Ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ang magsasagawa ng mas masusing imbestigasyon.

Ayon pa rito,

“There are a lot of complaints but we are now sorting them to pin-point the cases that have basis, so for now, there are 183 cases under investigation,”

Ganunpaman, palaisipan naman sa ahensya kung saan kukuhain ang pondo na ibibigay sa mga impormante ng kurapsyon.

Pag-aresto

May mga nauna nang naaresto na diumano kurakot na opisyal ang otoridad. Nagsimula ito noong May 1 na kung saan ay inaresto ang barangay official mula sa Hagonoy, Bulacan na kinilalang si Danilo Flores. Nagviral kamakailan ang video ni Flores na binabawi ang P3,500 na kalahati ng ayudang natanggap ng ilang residente sa Hagonoy.

Hinuli din ang kapitan ng barangay na si Maria Luz Leal Ferrer ng Isabel, Negros Occidental ukol sa pamemeke ng listahan ng benepisaryo sa kanilang barangay. Ayon pa sa DILG,

“Reports and accounts from the credible witnesses and scrutiny of the alleged manipulated list of SAP beneficiaries also point to the suspect. Mae Fajardo, a municipal social worker, was also arrested together with Ferrer for allegedly falsifying the official SAP recipient list,”

Magsumbong

Hinihikayat pa ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya ang mga tao na magsumbong sa mga insidente ng pagkakaltas o paghahati-hati ng ayuda na ginagawa ng mga lokal na opisyal. Maaaring tumawag sa 8888 hotline upang ireport ang mga anomalya ng iilang mga opisyal.

Source: Philstar Global

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: