Press "Enter" to skip to content

19 Anyos Na Babae Ginahasa Ng Kaibigan At Mga Kasama; Panggagahasa Ipinost Pa Sa Facebook!

Mandaue Cebu, Philippines- Isang 19 anyos na babae ang ginahasa ng grupo ng magkakaibigan kamakailan at ang pasimuno ay ang mismong kaibigan pa ng dalaga. Ang pang gagahasa ay nagawa pang i-post at ipagyabang sa facebook.

Ang reklamo

June 18, nang magreklamo sa programa ni idol Raffy ang dalagita na itinago sa pangalang Elsa. Ang reklamo ay tungkol sa pang gagang-rape diumano na ginawa sa kanya ng grupo na mga varsity player ng isang eskwelahan sa lungsod ng Mandaue.

Ang Reklamo- Trabaho
Photo Credit: Youtube

Sinabi pa ng biktima na ang pasimuno diumano ay walang iba kundi ang kanyang itinuturing na kaibigan na nag ngangalang Mark. Ang nangyaring panghahalay sa dalagita ay nadiskubre nito ng ito ay ipagmayabang ng mga salarin sa facebook.

Ang pang gagahasa

Ayon sa salaysay ni Elsa sa programang Raffy Tulfo In Action, galing diumano ito sa kanyang trabaho sa pagpapa awol nang mag chat dito ang kanyang kaibigan na si Mark at niyaya diumano ito na makipag-inuman. Dahil sa tiwala ng dalagita sa kaibigan at pamimilit na din nito ay hindi na nakatanggi sa paanyaya.

Ang Pang gagahasa- Trabaho
Photo Credit: Youtube

Nang makarating ito sa lugar ay saka lang nito nalaman na hindi lamang ang kaibigan ang naroon kundi pati ang mga ka-grupo sa isang basketball.

Paano nadiskubre

Dahil sa kalasingan ay hindi na umano namalayan ni Elsa ang nangyari at laking gulat na lamang nya nang mabalitaan sa isang kaibigan ang naturang pagyayabang sa facebook ng mga kalalakihan na kaniyang nakainuman at dito na napag-alaman ng dalagita na siya pala ay hinalay ng mga ito nang ito ay makatulog dahil sa kalasingan.

Paano Nadiskubre- Trabaho
Photo Credit: Youtube

Samantala, matapos ang panayam ni idol sa dalagita ay tinawagan nito ang tinyente ng nasabing lungsod upang sunduin ang dalagita at tulungan ito tungkol sa nasabing reklamo. Gayundin, sinabi pa nito na sampahan nang kaukulang kaso ang mga salarin.

Narito ang buong detalye

Para sa iba pang balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: