Press "Enter" to skip to content

1962 Painting Na May Pangitaing “Life In 2022” Tunay Nga Ba?

Nitong Mayo 2020 lamang ay kumalat ang isang litrato na sinasabi ng iba ay isang painting na nagmula noong 1962. Ito daw ay may pinamagatang “Life in 2022.”

Ang painting

Sa litrato na nagviral, makikita ang mga tao na nasa loob ng sasakyan na tila isang fish bowl. Kung titingnan ng mabuti, para itong scooter na may manibela na katulad ng sa bike, ngunit may salamin na nakabalot sa nakasakay.

Ayon sa ibang posts, ito daw ay paiting na ginuhit noong 1962. Ang iba ay nagtatanong, conincedence nga lang ba ito? O talagang nagkaroon ng pangitain ang mga taga 1962 na ganito ang magiging buhay ng 2022?

Covid virus

Puno ng delubyo ang salubong ng 2020 sa buong mundo. Sa katunayaan, sa dami ng delubyo na nangyari ng Enero, hindi mo iisipin na nandoon ka pa lamang sa unang buwan ng taon.

Isa sa mga delubyong natanggap ng Enero ay ang coronavirus. Ito ay hinihinalang nagmula sa China at kumalat sa buong mundo. Sa ngayon milyon milyong tao na ang nagkasakit o namatay dahil dito.

Dahil sa virus na ito, ang “new normal” ay ang magsuot na face mask at magsocial distancing. Kaya naman ito ang pinagmulan ng viral posts na nagsasabing pangitain ang naturang painting, dahil sa social distancing.

Ang katotohanan

Ayon sa Snopes, isang website na nag fa-fact-check ng mga impormasyon na lumalabas sa internet. Halo daw ang katotohanan sa likod ng litrato na ito.

Ayon dito, ang naturang litrato ay tunay na inilabas noong 1962 ng isang Italian magazine. Ngunit wala itong makitang patunay na talagang isa itong pangitain.

Sinabi rin sa findings na tungkol ang litrato sa Singoletta o singlet na mga sasakyan na pangisahan lang ang sakay.

Source: Danice Tanovic

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: