Press "Enter" to skip to content

2 Covid Patients, Tumakas Sa Delpan Quarantine Facility

Dalawang positibo sa Covid-19 ang tumakas mula sa Delpan quarantine facility ngayong Martes ng umaga. Ayon ito sa report ng hepe ng Manila Police District na si Brigadier General Rolando Miranda.

Tumakas

Isang 25-year old Covid-19 positive patient ang tumakas nitong umaga sa Delpan quarantine facilituy, bandang alas-syete ng umaga. Samantala, ang isa pang tumakas ay na-identify na isang 19-year old. Naunang naibalik sa facility ang huli habang ngayong tanghali ay nahuli na ang 25-year old.

2 Covid Patients, Tumakas Sa Delpan Quarantine Facility 2

Nahanap na

Sa isinagawang manhunt, natagpuan ang tumakas na pasyente sa Sta. Ana, Maynila. Sa pahayag ni Miranda,

“Nirereport na ng operatiba ko na nakuha na ‘yung pinapa-manhunt na dalawang tao.”

Kakasuhan

Nagpositibo kahapon ang dalawang tumakas na pasyente matapos na ang isinagawang swab test sa kanila noong May 14. Ayon sa hepe ng MPD, ibabalik ang dalawa sa quarantine facility upang mabigyan ng karampatang atensyong medikal. Ganunpaman, idedetermina pa ng otoridad ang kasong isasampa para sa dalawang pasyente na tumakas.

Mga pasaway

Ikinagalit naman ng maraming netizens ang balitang pagtakas ng ilang covid-19 patients. Anila ay tila maghahasik pa umano ng lagim ang mga ito at tiyak na makakapanghawa pa ng iba. Dahil anila ay bunsod ng pagdami ng kaso ng covid partikular sa Metro Manila ay pagkapilay ng marami sa atin na makapagtrabaho para sa pamilya. Marami ang hindi makabyahe at pilay ang buwanang kita na nagdudulot ng patong patong na utang.

Delpan quarantine facility

Matatandaan nitong Abril lamang ay pumutok ang isyu na kung saan ay hindi nabibigyan ng sapat na medikal na atensyon ang ilang pasyente sa Delpan quarantine facility. Liban sa kakulangan ng medikal na atensyon, hinaing din ng isang pasyente doon ay ang mabahong palikuran na kung saan ay ang mga ito ay puno ng ihi at dumi ng tao. Ito ang pahayag ng di nagpakilalang pasyente sa Dobol B interview sakanya noong Abril.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: