Press "Enter" to skip to content

Positibo ULIT? 2 Pasyenteng Naka-rekober, Nag Positibo Ulit Sa Covid-19!

Davao City, Philippines – Abril 24, kinumpirma ni Dr. Leopoldo Vega ang Chief of Hospital ng Southern Philippines Medical Center (SPMC), na may dalawa silang recovered patients na nagpositibong muli sa SARS-CoV-2 virus matapos sumailalim sa karagdagang COVID-19 test.

False negative?

Ayun kay Dr. Vega, hindi nya masasabi na reinfection ang nangyari sa dalawang pasyente na nagnegatibo sa swab test at nadischarged sa ospital at pagkatapos ng 14 na araw na quarantine ay nagpositibo ulit. Maaari raw na isang itong kaso ng “false negative”.

Positibo ULIT? 2 Pasyenteng Naka-rekober, Nag Positibo Ulit Sa Covid-19! 1
Photo Credits: Pexels

Ang “false negative” ay ang sitwasyon kung saan ang test ng isang pasyente ay naklasipika na negatibo kahit ito ay positibo.

Kasalukuyang sitwasyon

Tiniyak ni Dr. Vega na dalawa lang ang ganitong insidente sa kanilang ospital. Una ng naadmit sa SPMC ang dalawang pasyente matapos magpositibo sa sakit na COVID-19.

Positibo ULIT? 2 Pasyenteng Naka-rekober, Nag Positibo Ulit Sa Covid-19! 2
Photo Credits: MindaNews

Ang unang pasyente ay naadmit noong ika 26 ng Marso na may mild symptoms at nadischarged noong ika 1 ng Abril matapos magnegatibo sa swab test. Sumailalim sya sa mandatory 14-day quarantine at nare-admit noong ika 17 ng Abril matapos magpositibo sa sumunod na swab test. Nadischarged sya ulit noong ika 20 ng Abril matapos magnegatibo sa swab test at kasalukuyang sumasailalim sa mandatory quarantine.

Ang ikalawang pasyente ay isang frontliner ng SPMC at naadmit dahil sa mild symptoms. Sya ay nadischarged noong ika 3 ng Abril at nare-admit noong ika 20 ng Abril matapos magpositibo sa sumunod na swab test pagkatapos ng kanyang mandatory quarantine. Siya ay asymptomatic na at kasalukuyang nakaconfine sa SPMC habang naghihintay sa susunod na swab test.

Payo ni doc

Binigyang-diin ni Dr. Vega na importante talagang sumailalim ang pasyente na nakarekober sa 14-day mandatory quarantine pagkatapos madischarged para masiguro na gumaling na sila at hindi na makahawa ng iba.

Positibo ULIT? 2 Pasyenteng Naka-rekober, Nag Positibo Ulit Sa Covid-19! 3
Photo Credits: Pexels

Pagkatapos ng 14-day mandatory quarantine ay sasailalim ulit sa swab test ang pasyente. Kung magpositibo sa virus ay iaadmit uli sila sa ospital at sasailalim sa karagdagang swab test at kung negatibo naman ay babalik na sila sa kanilang normal na pamumuhay.

Source: Facebook Sunstar Davao

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: