Press "Enter" to skip to content

2 Patay, 1 Kritikal Sa Pagtagay Ng Naimbentong Alak Na May Halong Thinner

Patay ang dalawang lalaki habang isa naman ang kritikal matapos uminom ng alak na gawa sa pinaghalu-halong kape, suka, softdrinks at paint thinner.

Ang mga biktima

Dalawang lalaki ang patay at isa ang kritikal na nasa ospital sa Maynila. Ito ay matapos di umanong tumagay mula sa naimbento nilang “alak”. Naisipan nila itong gawin dahil sa umiiral ng liquor ban na alinsunod sa ipinapatupad na enhance quarantine sa Maynila.

2 Patay, 1 Kritikal Sa Pagtagay Ng Naimbentong  Alak Na May Halong Thinner 2
GMA News

Sinabing nag-imbento umano ng sarili nilang inumin ang magkakaibigang sina Rene, Boboy, at Dandy na mga taga-Baseco Compound sa Maynila. Ayon kay Leni Dinopol, kapatid ni Rene na kilala talaga silang manginginom sa kanilang lugar. Walang umanong oras at araw ang kanilang pag inom ng alak.

Ang naimbentong alak

Ilang araw na umanong tumatagay ang mga biktima ng naimbento nilang alak na pinaghalu-halong kape, suka, at soft drinks. At hanggang sa diumanoy may nakaisip na dagdagan pa ito ng paint thinner upang ito ay ipanghalili sa alak, nitong Linggo.

2 Patay, 1 Kritikal Sa Pagtagay Ng Naimbentong  Alak Na May Halong Thinner 3
Facebook

Ayon sa ulat, lubhang nakalalason ang paint thinner kaya hindi dapat iniinom ito. Ito rin ay puwedeng sumira ng atay, bato, baga, puso at nervous system.

Resulta ng naimbentong alak

Ayon pa kay Leni, kinabukasan nakita nalang nila ang kapatid niya na walang malay at bumubula ang bibig. Si Boboy naman ay nagsabing wala raw syang makita habang gumapang papuntang ospital. Ngunit kinalaunan ay nakita rin siyang nakabulagta at wala ng malay sa kalsada.

2 Patay, 1 Kritikal Sa Pagtagay Ng Naimbentong  Alak Na May Halong Thinner 4
GMA News

Naitakbo pa diumano ito sa ospital ngunit hindi na ito umabot nang buhay. Ang ikatlong biktima naman ay nasa kritikal na kondisyon pa sa Philippine General Hospital.

Pag aakala

Inakala umano ng barangay driver na si Freddie Colase, rumesponde sa insidente na COVID-19 ang ikinamatay ng mga biktima. Dahil noong nag-report sa kanya ang kapatid ng biktima, sinabing baka raw ang naturang virus ang dahilan kaya nagsisikip daw ang dibdib ng nito.

2 Patay, 1 Kritikal Sa Pagtagay Ng Naimbentong  Alak Na May Halong Thinner 5
GMA News

Ngunit ng pinuntahan nila at nakausap ang kapatid na babae ni Rene , sinabi nitong gabi pa pala nung sinundang araw nagsimulang mag-inom ang mga ito.

Panoorin ang ang kabuuang ulat:

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: