Press "Enter" to skip to content

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing

Humihingi ng katarungan ang mga pamilya ng biktima na nasawi sa nangyaring insidente sa bahagi ng Quirino Highway sa San Jose del Monte. Dalawang katao ang patay at dalawa ang sugatan matapos na araruhin ng isang AUV na minamaneho ng diumano ng lasing na driver na nawalan ng kontrol sa sasakyan.

Hustisya, sigaw ng mga pamilya ng mga biktima

Di makapaniwala ang pamilya ng maglive-in partner na nasawi sa insidente. Maliliit pa ang apat na anak ng mga biktima ayon sa pamilya. Labis na hinagpis ng mga ito at humihingi ng hustisya sa pangyayari.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 2
Photo Credit: Unang Balita

Ayon kay Jinky Adaza dating asawa ng biktima

Bakit mo ginawa iyon. Sana pinag-isipan mo. Hindi mo ba alam na apat ang umaasa sa kanya mga maliliit pa mga anak niya. Sana pinag-isipan mo. Pero sinadya mo. Nakita kita sa video. Binalikan pa niya Sir. Binalikan niya, doon ako nasaktan.

Di ko pa alam ang gagawin sa mga anak

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 3
Photo Credit: 24 Oras

Ayon kay Violeta Vasquez ina ng biktima

Grabe po kung makikita ninyo ang itsura ng anak ko at ng manugang ko po. Grabe di ninyo po kakayanin. Itutuloy po namin ang laban. Di po kami uurong.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 4
Photo Credit: 24 Oras

Ani pa ni Aileen Aysenak, tiyahin ng isa sa namatay na biktima

Sana panagutan niya yung nagawa niya. Kase may mga anak na naiwan. Apat po yung anak na naiwan niyang anak. E paano na iyan ngayon?

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 5
Photo Credit: 24 Oras

Ani pa ni Vanessa Layosa, hipag ni Juvylyn

Patay na daw ‘yung kapatid niya, ‘yung ate niya, hindi ko naman po akalain… Mabait maalaga sa mga anak siyempre po,

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 6
Photo Credit: Unang Balita

Mga biktima ng insidente

Nangyari ang insidente dakong alas otso ng gabi nitong Lunes sa bahagi ng Quirino Highway Bgy. Sto Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan. Laking gulat ng mga tao ng biglang dumeretso ang isang AUV sa bangketa. Unang binunggo ng sasakyan ang isang money remitance bago bumangga sa apat na tindero.

Ayon sa nakasaksi na si Nehemias Dela Rosa, patuloy pa rin nagwawala ang makina ng sasakyan nang lapitan ito. Pinilit namang tumulong ng mga tao sa paligid upang maialis ang sasakyan.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 7
Photo Credit: Unang Balita

Ayon kay Nehemias

Di pa rin nawawawala yung pagwawild ng makina niya. Nagwawild pa rin siya. Pero Nagsisigawan ang mga tao. Pinipilit ng mga tao na tanggalin siya doon kasi may nadaganan sa ilalim.

After po ng ilang minuto katutulak ng mga tao umatras po siya then akala namin ok na pagkaatras niya. Yung pag-atrasniya matulin po atras niya.

Namatay sa pangyayari ang maglive in partner na nagtitinda ng saging sa lugar. Namatay sa lugar si Juvylyn Vasquez, 29-anyos, na sinubukan pang i-revive ng San Jose Del Monte rescue.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 8
Photo Credit: 24 Oras

Habang ang partner nito na si Jonaver Adaza ay naitakbo pa sa ospital. Nagtamo si Adaza ng bali sa mga binti at kanang braso. At noong madaling araw ay binawian din ng buhay.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 9
Photo Credit: 24 Oras

Nasugatan din sa naganap na insidente sina Jericho Ibog at Arnel Castillo na mga tindero rin sa nasabing lugar.

Lasing na driver

Sa imbestigasyong isinagawa ng pulisya. Lumalabas na nakainom ang suspek na si Rene Endaya, isang negosyante, na hindi pa sanay magmaneho ng automatic na sasakyan. Siya ngayon ay hawak ng San Jose del Monte Police.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 10
Photo Credit: 24 Oras

Ayon kay P/Lt. Col. Gil Domingo

Halos kailan lang siya nagdrive ng automatic na vehicle. So ang dati niya raw na vehicle lahat puro conventional yung stick shift. Human error po nakikita natin dito.

Ayon kay Police Staff Sergeant Wenedredo Dalagan, Duty Investigator ng San Jose del Monte Police, na bumili ng litsong manok ang suspek nang bigla nawalan ng kontrol sa sasakyan.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 11
Photo Credit: Unang Balita

Ani pa ni Wenedredo

Nakainom po ‘yung driver, ‘yun po ‘yung totoo doon. Bumili sila ng ulam na litsong manok. Ngayon, paalis na sila nang biglang hindi niya makontrol ‘yung sasakyan niyang isang Innova,

Paliwanag ng suspek na handa niyang panagutan ang mga biktima sa mga pangyayari at di niya sinadya ito dahil nawalan siya ng kontrol sa sasakyan. Humihingi rin ito ng tawad sa mga biktima at sa mga pamilya nito.

2 Patay At 2 Sugatan Matapos Araruhin Ng AUV Na Minamaneho Ng Negosyanteng Lasing 12
Photo Credit: Unang Balita

Ani ni Rene

Natakot ako, umuusok ang makina, galit na galit sa akin. Hindi ko na sir alam,

Dagdag pa ni Rene

Humihingi ako sa kanila ng paumanhin kasi nangyari, hindi ko naman kagustuhan. Ngayon ang akin lang, pag-usapan namin. Kung ano man ‘yun.

Lahat naman ng bagay nadadaan sa usapan hindi naman ako tatakbo kasi hindi ko naman kagustuhan ‘yon pero ako pananagutan ko ‘yan. Nangyari eh, hindi ko naman kagustuhan ‘yan,

Patong-patong na kaso ang kinahaharap si Rene sa reklamong reckless imprudence resulting to double homicide, multiple physical injuries and damage to properties dahil sa mga napinsalang establisyimento sa lugar. At dinagdagan pa ng RA 10586 yung drunk driving act.

Patuloy na pinag-aaralan ng mga imbestigador ang nakapaloob sa cellphone video ito

Video Credit: Anjo Bagaoisan

Narito ang kumpletong detalye ng pangyayari

Video Credit: Unang Balita

Narito pa ang isa pang ulat sa nasabing insidente

Video Credit: 24 Oras

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: