Isang 2 taong gulang na bata mula sa Bacolod City ang kasalakuyang lumalaban sa kanyang kalagayan. Siya kasi ay mayroong Psoriasis, isang uri ng skin inflammation kung saan ang katawan ng taong mayroon nito ay nagkakaroon ng abnormalidad sa paggawa ng skin cell na nag-dudulot ng makapal, namumula, nagsusugat, at nagkakaliskis na kondisyon ng balat.
Kalagayan ng bata
Ibinahagi ng tiyahin ng batang si Marlyn Lachica, dalawang taong gulang, ang kasalukuyang kalagayan ng bata sa kanyang post sa social media. Sa larawan at video na ibinahagi, kita ang sakit na nararanasan ng bata mula sa sugat nito sa balat.

Ang kondisyon sa balat ni Marlyn ay tinatawag na Psoriasis kung saan sa kanyang sitwasyon, nagkakaroon ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang balat sa katawan na dahilan ng kanyang iniindang kirot at hapdi.
Ani ng kanyang tiyahin, ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook sa kadahilanang naawa na siya sa kalagayan ng kanyang pamangkin at para narin matulugan ang pamilya ng bata sa gamot na kakailanganin niya.
Hiling na ttulong
Mahirap lang aniya ang pamilya ng bata kung kaya’t ninais ng tiyahin na maibahagi ito sa kanyang Facebook account.

Walang permanenteng trabaho ang tatay ni Marlyn at tanging pagtitinda ng gulay lamang ang kanilang inaasahan. Aniya, kasalukuyan ring nagdadalang-tao ang nanay ng bata na inaasahang manganganak ngayong buwan, kaya ganoong labis ang kanilang pagsusumikap.
Ani ng tiyahin,
“Sana po maantig po ung mga puso’t damdamin nio po kahit sa pag share and post nlng po malaking tulong na po ito para sa pamangkin ko at mpa abot sa tungkulan ni sir #raffytulfoinaction. .we need your PRAYERS for her fast healing recovery.”
Pasasalamat ng pamilya
Wala pa mang nagpapa-abot ng tulong, labis na ang pasasalamat ng pamilya ni Marlyn sa mga taong bukas ang pusong magpaabot ng kahit na kaunting tulong para sa agarang pagpapagaling ng bata.

Pasasalamat ng tiyahin,
“Thankyou po sa blessings para sa pamangkin ko you know who you are po hulog kapo ng langit. Sobrang happy po ako kasi kahit nsa pandemic tayu, my mga tao padin na my mabubuting puso at handang tumulong…”
Sa mga nais tumulong, maari niyo pong kontakin sa Facebook si Jim Lachica, tiyahin ng bata. Para sa iba pang impormasyon mangyaring bisitahin ang kanyang mismong post sa Facebook.
Source: Jim Lachica
Be First to Comment