Press "Enter" to skip to content

2 Tsino Arestado Sa Ilegal Na Pagbebenta Ng Face Mask

Last updated on June 23, 2020

Noong Biyernes, na-tiklo ang dalawang Tsino sa kanilang Ilegal na pagbebenta ng K95 Face masks. Bukod pa dito, nasamsam sa entrapment ang mga salapi at 21 milyong halaga ng face mask ang nasakote ng CIDG sa Taguig City.

Dalawang Tsino

Sa ibang na e-ulat, nangyari ang opersyon ng CIDG sa AKH Construction Plant, Lusacan, Barangay Wawa sa Taguig. Nagpanggap ang isang pulis bilang isang buyer pagkatapos nakatanggap ng report tungkol sa mga ilegal na gawain ng mga suspek.

2 Tsino Arestado Sa Ilegal Na Pagbebenta Ng Face Mask 2
Photo Credits: GMA Network

Ang dalawang Tsino ay kinilalang sina James Zhu at Charles Lee. Napag alaman na ang dalawa ay nagbebenta ng mga KN95 na klase ng face mask sa murang halaga.

Murang bentahan

Kasamang nakuha sa 2 tsino ay pera at 200 kahong mga face mask. Bawat kahon ay may 1,000 piraso na K95 face masks at nagkakahalaga ito sa P105 bawat isa, kung bibilhin sa mga tindahan o botika.

2 Tsino Arestado Sa Ilegal Na Pagbebenta Ng Face Mask 3
Photo Credits: Nikeshoezone

Pero sa 2 tsino ay nasa P45 lamang kada isa. Binebenta umano nila sa pamamagitan ng pag te-txt at tawag sa mga gustong bumili para agarang ma ubos ang mga produkto nila.

Pagka iba ng N95 at K95 face mask

Ayon sa na e-ulat na pagsusuri, ay walang halos ipinagkaiba ang dalawang klase ng face masks na N95 at K95, maliban na ang N95 ay syang ginagamit ng US standard para sa respirator face mask. Habang ang K95 naman ay syang katumbas ng N95 face mask sa China.

2 Tsino Arestado Sa Ilegal Na Pagbebenta Ng Face Mask 4
Photo Credits: Globalsources.com

Napabalita sa ibang ulat na, nagkalat ang mga pekeng face masks at pina alalahan ang publiko na maging ma-ingat sa pag bili nito upang di ma biktima sa mga modus sa bentahan ng pekeng face masks.

Nakaka alarma

Naa-alarma ang awtoridad sa pag dami ng bilang sa iligal na gawain ng mga tsino sa bansa. Kaya laging naka-alerto ang mga pulis sa mga ganitong gawain ng mga tsino.

Source: GMANews

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: