Press "Enter" to skip to content

20 Empleyado Ng BIR Main Office, Nakitaan Ng Sintomas Ng COVID-19

Quezon City – Ang pambansang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay pansamantalang nagsara noong Biyernes matapos kakitaan ang 20 opisyal at empleyado nang naturang opisina ng sintomas ng COVID-19.

Pagsusuri

Ang mga empleyado ay dumaan sa rapid testing ng COVID-19, kung saan kumuha ng blood sample nila upang malaman kung sila ay may sintomas nang nakakatakot na sakit.

20 Empleyado Ng BIR Main Office, Nakitaan Ng Sintomas Ng COVID-19 2
The Conversation

Lahat ng nagpositibo sa rapid blood test na isinagawa ng tanggapan ay sasailalim sa Polymerase chain reaction (PCR) test o kilala rin sa swab test. Ayon sa alituntunin ng Department of Health (DOH), ito pa din ang pagsusuri na magkukumpirma kung ang isang tao ay mayroong COVID-19.

Pag-iingat

Upang masigurado na ligtas at para maprotektahan ang kalusugan ng mga iba pang empleyado at ang publiko, pansamantalang isinara ang tanggapan upang lubusang madisinfect.

20 Empleyado Ng BIR Main Office, Nakitaan Ng Sintomas Ng COVID-19 3
Philippine Star

Ito ay agad din naming binuksan sa publiko matapos ang 2 araw nang mabusising pagspray at pagdisinfect sa nasabing tanggapan. Humingi na ng tulong si BIR Comissioner Caeser Dulay mula sa DOH para sa iba pang hakbang upang manatiling ligtas ang lahat sa BIR.

Pagpaplano

Noong Martes nagumpisa nang kumuha ng mga blood sample ang mga medical technician ng DOH sa halos 3,000 empleyado ng BIR, kasama na rito ang mga opisyal, janitor at mga security guards.

20 Empleyado Ng BIR Main Office, Nakitaan Ng Sintomas Ng COVID-19 4
New York Magazine

Pagtataya nila, ang pagpopositibo sa rapid test ay hindi pa kumpirmasyon na mayroon na silang COVID-19, at upang masigurado ang kaligtasan ng lahat, isusunod na ang pag tetest sa mga regional offices at district workers sa mga darating pang mga araw.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: