Press "Enter" to skip to content

20 Kaso Na Nagpositibo Sa COVID-19 Sa Bansa, Kinumpirma Ng DOH

Naglabas ng pahayag ang Departmen Of Health (DOH) tungkol sa panibagong 10 kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa bansa kasunod ng naunang 10 na kanilang idineklara. Ngayon ay mayroon ng 20 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sunod-sunod na pagkumpirma

20 Kaso Na Nagpositibo Sa COVID-19 Sa Bansa, Kinumpirma Ng DOH 1

Sa loob lamang ng isang araw ay umakyat na sa 20 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Matapos ang naunang sampu na kimupirma ng DOH, naglabas muli sila ng panibagong pahayag tungkol sa panibango pang 10 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Paglabas ng resulta

Ayon kay Assistant Health Secretary Maria Rosario Vergeire, biglaang dumami ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 dahil sabay-sabay inilabas ngayong araw ang resulta ng mga samples na kanilang nakolekta mula ika-6 hanggang ika-8 ng Marso.

20 Kaso Na Nagpositibo Sa COVID-19 Sa Bansa, Kinumpirma Ng DOH 2

Patuloy ang pag-iimbestiga

Sinigurado naman ng DOH na patuloy lang ang kanilang pag-iimbestiga at paghahanap sa mga posibleng nakasalamuha at nakasama ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Nagbigay ring ng pahayag si Health Secretary, Francisco Duque III, at sinabing ginagawa nila ang lahat at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang masiguro na mabigyan ng agarang aksyon ang kung sinomang makumpirmang positibo sa COVID-19.

“Rest assured that the Department of Health (DOH) is maximizing all channels… to immediately identify and isolate if needed, those who had contact with confirmed cases,” Health Secretary Francisco Duque III.

Nilihim nga ba ito ng DOH?

Dahil na rin sa biglang pag-taas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso na nagpositibo sa COVID-19, marami ang nag-sasabi na sadya itong inilhim ng DOH upang hindi isipin ng mga tao na sila ay nagpabaya, Ngunit mariin namang itinanggi ito ng DOH.

Sinabi nila na patuloy silang nakikipag-tulungan sa lokal na gobyerno ng bawat lungsod upang sila ang unang magparating sa media at sa tao kung sakali mang mayroong makupirmang kaso at pagkatapos nilang maganunsyo ay saka nila bibigyan ng pagkakataon na makapagdeklara ang lokal na gobyerno at gumawa ng aksyon.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: