Press "Enter" to skip to content

200 ECQ Violators Sa Caloocan City, Pinaglakad Ng Mahigit Isang Oras

Mahigit 200 na nahuling lumabag sa ordinansa para sa enhanced community quarantine sa Caloocan City. Ang mga nahuli ay pinaglakad ng mahigit isang oras sa kalsada habang nakatali ang isang kamay sa mahabang lubid nitong Sabado.

Dahilan ng paghuli

Ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa 24 Oras News Alert ng GMA News nitong Linggo, dinampot ang mga violators ng mga tanod at pulis. Ito ay dahil nasa labas pa raw ng bahay ang mga ito kahit oras na ng curfew.

200 ECQ Violators Sa Caloocan City, Pinaglakad Ng Mahigit Isang Oras 2
Abante TNT

Ang iba namang nahuli ay nahuling umiinom ng alak. At ang iba ay mga walang suot na face mask.

Katwiran ng mga nahuli

Ayon sa mga nahuli, hindi daw nila alam na ipinapatupad na ng Pangulong Duterte ang pag huli sa lumalabag sa curfew. Katwiran pa ng mga ito na hindi nasa harap lang saw naman sila ng kanilang mga tahanan.

200 ECQ Violators Sa Caloocan City, Pinaglakad Ng Mahigit Isang Oras 3
GMA Network

Ayon naman sa mga nahuling nag iinom ay pamapatulog lamang ang dahilan ng kanilang pag shot ng alak.

Ang parusa

Bilang parusa, ang isang grupo ng violators sa EDSA ay pinalakad ng mahigit isang oras hanggang sa Bagong Caloocan City Hall. Dinala ang mga violators sa bakanteng lote. Pinasulat rin ng kanilang mga pangalan at tsaka sinermonan ng hepe ng Caloocan Police.

200 ECQ Violators Sa Caloocan City, Pinaglakad Ng Mahigit Isang Oras 4
CNN Philippines

Dagdag pa ng hepe, pinaglakad daw nila ang mga violators. Ito ay sa kadahilanang hindi mao-obserbahan ang social distancing kapag isinakay ang mga ito sa sasakyan.

Hindi muna pinagbayad ang mga violators pero hanggang P5,000 ang babayaran ng mga mahuhuling walang suot na face mask sa mga pampublikong lugar. Ang mga lumabag sa curfew ay P3,000 ang babayaran sa first offense.

200 ECQ Violators Sa Caloocan City, Pinaglakad Ng Mahigit Isang Oras 5
Youtube

Kapag naman nahuling umiinom ng alak, P500 hanggang P1,500 ang multa. Ang hindi pagsunod sa physical distancing ay haharap ng P5,000 multa o anim na buwang pagkulong.

Pansamantalang kulungan

Sa ngayon, may ginagawa na ring pansamantalang kulungan ang Caloocan City government para sa mga violators na kailangang kasuhan sa korte tulad ng mga makukumpiskahan ng droga o baril at ang mga manlalaban sa mga pulis o tanod.

200 ECQ Violators Sa Caloocan City, Pinaglakad Ng Mahigit Isang Oras 6
Rappler

Paki usap ng mga pulis sa mga violators na manatili sa kani-kanilang mga tahanan. Ito ay dahil hirap na hirap na ang mga frontliners.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: