Press "Enter" to skip to content

200-M Target Ng PNP Pandagdag Tulong Sa Pondo Ng COVID-19

Manila, Philippines – Target ng PNP ang makalikom ng P200-M para ibigay bilang donasyon sa nagpapatuloy na relief efforts ng pamahalaan.

Ambag mula sweldo

Kasunod ito ng naging hamon ni PNP Chief Police General Archie Gamboa at tugon ng pambansang pulisya sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga matinding naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

200-M Target Ng PNP Pandagdag Tulong Sa Pondo Ng COVID-19 2
Source: Philstar

Batay sa naunang anunsyo ni Gamboa, obligado ang mga opisyal ng PNP mula sa heneral, pinuno ng command group, directorial staff, regional directors at national support units na magbigay ng 50% ng kanilang basic pay para sa Mayo.

Habang boluntaryo naman at walang itinakdang halaga ang donasyong maibibigay ng mga pulis na may mababang ranggo.

200-M Target Ng PNP Pandagdag Tulong Sa Pondo Ng COVID-19 3
Source: Philstar

Ayon pa kay Gamboa,

“Dapat mag kusa iyong isang pulis na magbigay ng kanilang kontribusyon. Ang plano namin dito ay i-turn over sa Executive Secretary then sila na ang bahala kung saan nila ito dadalhin.”

Bagong kaso sa kapulisan

Kasunod sa nasabing pahayag, ibinalita naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa nakaraang briefing na mayroon ng 50 na confirmed na mga pulis.

Sa kasalukuyan batay sa bagong guidelines ng DOH, mayroon ng 254 na probable, 348 na suspects at 652 naman ang total na biktima sa hanay ng kapulisan.

200-M Target Ng PNP Pandagdag Tulong Sa Pondo Ng COVID-19 4
Source: CNN Philippines

Dagdag pa ni Eleazar, na naglaan na ng mga pasilidad para sa mga apektadong kapulisan na bumubuno sa virus.

Ayon pa sa kanya,

“Patuloy pa rin ang mga isinasagawang plano at pagpapatupad ng sari-saring intervention measures. Ito’y upang matigil na ang lalong pagkalat ng virus sa tulong na rin ng administrative support at operation task force.”

Bayanihan fund challenge

Samantala, ipinagbabawal naman ang pag automatic deduction sa sweldo ng iba pang miyembro ng PNP para makalikom ng karagdagang donasyon.

200-M Target Ng PNP Pandagdag Tulong Sa Pondo Ng COVID-19 5
Source: Philstar

Sa kabuuhan, umaabot na sa halos P90.3-M ang nalikom na pondo at pledges ng Philippine National Police (PNP) para sa kanilang bayanihan fund challenge. Agaran naman itong itu-turn over sa nasabing ahensya ng gobyerno para magamit na sa proyekto.

Source: Yahoo News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: