Press "Enter" to skip to content

200K Mula Kay Idol Raffy, Naging Bato Muli!

Sa pangalawang pagkakataon, muli na namang nanghinayang ang maraming supporters ni Idol matapos na walang nanalo sa 200k na gantimpala mula sa show ni Raffy Tulfo nitong Miyerkules.

Epic Winners

Marami nga ang naka-abang na mga Supporters ni Idol at nagbabakasakali na ang kanilang numero ang mabunot ni Idol Raffy. Halos lahat ay naka-abang sa pangalawang pagkakataon na ibinigay ni Idol para sa kaniyang mga tagahanga.

200K Mula Kay Idol Raffy, Naging Bato Muli! 2

Ngunit sa di naasahang pangyayari, muli na namang nadismaya ang mga ito matapos na hindi nasungkit ng dapat sana’y lucky winner ang tumatagingiting na 200k pesos.

Matatandaan na una ng nadismaya ang lahat sa 175k na matapos na tinarayan at dineadma ng unang winner.

Hindi nakatutok

Sa kaniyang segment nitong Miyerkules, biglang pina-cut ni Idol ang kaniyang show at pag-uusap nila ng dapat sana’y lucky winner ng 200k. Base kasi sa kanilang pag uusap, initial na tinanong ni Idol Raffy ang nanalo kung ano ang kaniyang suot na damit ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay sinagot ito ng dapat sana’y lucky winner na:

200K Mula Kay Idol Raffy, Naging Bato Muli! 3

“Saglit lang po, titingnan na lang sa YouTube. Live na ngayong 11.”

Kaya naman sa puntong ito ay napa “Aaayy!” na lang si Idol sabay sabing “cut-cut”.

Manood at tumutok

Sa unang bahagi ng show ni Idol, masigla pa naman niyang biniling ang limpak na limpak na salapi na nagkakahalaga ng 200k peso at umaasa ito na sana’y sagutin na siya ng maayos ng mapalad na lucky winner sa telepono.

200K Mula Kay Idol Raffy, Naging Bato Muli! 4

Pabiro pang sinabi ni Idol na,

“Syempre magpapanggap muna tayo kasi Malay nyo mamaya nasa kabilang istasyon pala nanonood tapos biglang sagot ng telepono, wag ganun. Kailangan sabay. Nanood habang hawak ang telepono, ganun.”

Bago pa tawagan ni Idol ang naturang numero ay Pina beripika nya pa ito sa kaniyang assistant na si Naneth. Aniya pa ni Idol, dapat ang numero ay tugma sa Ipinadalang email sa kaniya. Kaya naman halos lahat ay naka-abang sa makapag pigil na hininga habang nagbabakasakaling tawagan ang kanilang numero.

Sa puntong iyon ay nadismaya ang lahat matapos na ang dapat sana’y lucky winner ay kasalukuyang hindi nakatutok sa palabas ni Idol Raffy bagama’t siya ay masugid na Supporters nito. Kaya naman paalala ni Idol na dapat ay parating tumutok sa kaniyang show at hawakan ng maigi ang selpon dahil baka sa susunod ikaw na ang manalo ng 225k.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: