Press "Enter" to skip to content

2018 Beauty Queen Inireklamo Ng Misis Ng Isang Congressman Sa Pang-aagaw Sa Asawa

Last updated on June 27, 2020

Isang 22 anyos na beauty queen ang inireklamo ng isang misis ng congressman sa Sultan Kudarat. Ang reklamo ay bukod sa pang-aagaw nito ng asawa, nagawa pa nitong lapastanganin ang pagkababae nang nasabing misis.

Ang misis na nagreklamo

Si Mylene Mangudadatu ang misis ni Congressman “toto” Mangudadatu ang siyang dumulog sa programa ni idol raffy nitong Biyernes June, 26.

Ang Misis- Beauty Queen
Photo Credit: Youtube

Ito ay upang ireklamo ang beauty queen title holder na si Sharifa Akeel tungkol sa pang-aagaw nito sa kaniyang asawa at panglalapastangan sa pagkababae ng nasabing misis. Si Akeel ay isang Asia Pacific International title holder noong taong 2018.

Ang panlalandi

Sa kwento ni Mylene sinubukan diumano nitong kausapin ang beauty queen noong malaman nito ang panlalandi nito sa kaniyang asawa na nagsimula pa noong nakaraang taon.

Ang Panlalandi- Beauty Queen
Photo Credit: Youtube

Inakala ni Mylene na natigil na ang panlalanding ito ng babae, ngunit nito lamang lockdown sa kaniyang pag check sa mga social media post ng asawa ay napag-alaman nito na patuloy pa din pala ang tagong relasyon ng nasabing congressman at beauty queen. Sa katunayan ay ipinagmalaki pa umano ni Akeel sa misis ang kanilang relasyon nang ito ay muling kausapin.

Ang paglapastangan

Bukod sa pang-aagaw, ang hindi matanggap ng misis sa ginawa ng nasabing beauty queen ay ang paglapastangan nito sa kaniyang babae. Ayon dito, pinagsalitaan umano ito ni Akeel ng ilang masasakit na salita gaya na lamang ng “kasi matanda ka na” at iba pang pambabastos na salita.

Ang Paglapastangan- Beauty Queen
Photo Credit: Youtube

Dahil dito ay sinabi pa ng misis na ang isang beauty queen na nagpepresinta sa empowerment ng lahat ng kababaihan sa bansang Pilipinas ay hindi dapat ganoon ang inaasal. Gayunpaman, desidido ang misis na ito ni Mangudadatu na sampahan ng kaukulang kaso ang nasabing beauty queen.

Samantala, kinukunan pa ng programa ni idol nang pahayag ang nasabing beauty queen tungkol sa nasabing reklamo dito.

Narito ang nasabing reklamo

Para iba pang mga balita at impormasyon bisatahin ang PinasBalita.

Source: Raffy Tulfo In Action

2 Comments

  1. Zyra jho Zyra jho June 27, 2020

    Hindi yata yan congreman

  2. Zyra jho Zyra jho June 27, 2020

    Parang pag sisira to kay sarifa dahil sa gsto nya mag miss pilipinas.sana wag lang sa kay sarifa dapat sisihin mo ang asawa mo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: