Press "Enter" to skip to content

27-Anyos Na Binata, Naipit Ang Paa Sa Gilingan Ng Mais

Isang hindi inaasahang pagkakataon ang nangyari sa isang binata matapos madisgrasya sa gilingan ng mais. Sa ngayon ay nasa ospital ito at nangangailangan ng tulong pinansyal.

Nagiling

Isang 27-anyos ang nakatakdang maputUL4n ng paa matapos na madisgrasya ito sa gilingan ng mais. Ang kaawa awang biktima ng disgrasya ay kinilalang si Arnold Bactong, nakatira sa Puroo 2, Kimadzel Carmen, North Cotabato. Nangyari ang insidente noong ika-28 ng Setyembre. Ayon sa post ng netizen na si Joriel Khein Vargas, nahulog aniya ang paa ni Bactong sa gilingan ng mais. Nagbara ang isang mais sa gilingan kaya naman minabuti ng biktima na tanggalin ito sa pamamagitan ng kanyang paa. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napasama ang kanyang paa sa gilingan.

27-Anyos Na Binata, Naipit Ang Paa Sa Gilingan Ng Mais 2

“nahulog po ang kanyang Paa sa nasabing Gilingan😢 dahil daw po ay bumara ang mais tinapakan niya ito upang mawala ang sagabal”

Mabuting tao

Ayon kay Vargas, si Bactong ang bread winner sa kaniyang pamilya. Sinabi rin nito na isang mabuting kaibigan, anak, at kapatid ang biktima.

27-Anyos Na Binata, Naipit Ang Paa Sa Gilingan Ng Mais 3

“Isa po siya sa inaasahan ng kanyang ina upang maitaguyod sila Araw araw nilang Pangangailangan”

Sa kabilang banda, kasalukuyang nasa SPMC Davao si Bactong dahil hindi aniya kaya ng mga ospital sa North Cotabato ang sitwasyon nito. Nakatakda rin na maoperahan ang binata upang puTuLin ang kanyang paa. Hindi rin aniya kaya ng stainless ang procedure kaya naman kakailanganin ng pamilya ng biktima ng malaking halaga upang mairaos ang operasyon.

“nasa SPMC DAVAO po siya dahil hindi makaya ng mga hospital dito sa North cotabato ang nangyari sa kanya”

Pagsamo

Sa post ni Vargas ay isang pagsusumamo na matulungan ng mga mabubuting puso ang kanyang kaibigan. Maging man ang pagbahagi ng kanyang post sa social media ay isang malaking bagay na para sa pamilya at nga kaibigan ni Arnold.

27-Anyos Na Binata, Naipit Ang Paa Sa Gilingan Ng Mais 4

“sa mga Gustong tumulong e message niyo lang po si CHEREN GALAO BACTONG siya po ay kapatid sa nasabing Biktima kahit konting pag share lang nito ay malaki na po ito Para dumating sa mga mabubuting Puso upang matulongan siya😢at ang kanyang Pamilya😢MARAMING SALAMAT GODBLESS🙏👆”

Maraming netizens naman ang naghahangad na sana ay mapansin ng programa ni Raffy Tulfo ang sitwasyon ng binata at matulungan ito sa kanyang problema.

EDIT: Napag alaman na pumanaw din kalaunan ang lalaki

Siya po ay si ARNOLD BACTONG siya po ay 27yrs old residente ng Purok 2 kimadzel Carmen north Cotabato noong September…

Posted by Joriel Khein Vargas on Sunday, September 27, 2020

Source: Joriel Khein Varias

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: