Press "Enter" to skip to content

27 na OFW Nakatanggap ng Tulong Pinansyal Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Antique

Nitong Hulyo 21 ay nakatanggap ng PHP10,000 na tulong pangkabuhayan ang 27 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa pamahalaang panlalawigan ng Antique. Ito ay upang magsimula sila ng sarili nilang mga negosyo para matulungan ang kanilang pamilya.

Ang pamamahagi

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay nangyari sa Antique Capitol Lobby na pinangunahan ni Governor Rhodora Cadiao. Mula sa panayam kay Provincial Development Officer III Guilly Clemente noong Miyerkules, sinabi niya na ang mga benepisyaryo ay nakauwi na bago pa ang COVID-19 commnity quarantine at napiling manatili na lang din sa Antique.

27 na OFW Nakatanggap ng Tulong Pinansyal Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Antique 2
Photo Credit: Panay News

Ayon kay Clemente, ang nakuhang tulong pangkabuhayan ng mga OFW ay magagamit nila upang magsimula ng maliit na negosyon tulad ng mga sari-sari store. Bilang tulong na rin bago makuha ang pera ay kailangan nila dumalo sa seminar na pinangunahan ng Department of Trade and Industry- Antique upang maturaan sila sa tamang pagpaplano ng negosyo.

Ginawa para makatanggap

Dagdag pa ni Clemente, na requirement ang pagkakaroon ng isang business plan bago sila mabigyan ng tulong pinasyal. Nagsagawa rin ng background check ng mga aplikante ang Provincial Planning and Development Office, partikular ang OFW Desk para masiguro na totoo at nasa ayos ang proseso.

27 na OFW Nakatanggap ng Tulong Pinansyal Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Antique 3
Photo Credit: My Philippine Life

Ang mga natulungan ay hindi kinakailangan na bayaran ang pera na ibinigays a kanila. Paliwanag ni Clemente, inaanyayahan lamang nila ang mga OFW na gawing pang matagalan ang kanilang pinagkikitaan na negosyo upang kahit hindi na sila magtrabaho sa labas ng bansa ay may napagkukunan sila ng pangkabuhayan sa Antique.

27 na OFW Nakatanggap ng Tulong Pinansyal Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Antique 4
Photo Credit: When In Manila

Noon pang Marso 4 ay nagsimula na silang magpamahagi ng tulong pangkabuhayan sa 10 na mga OFW na nagmamay-ari ng sari-sari store na mula sa kani-kanilang munisipalidad. Sa taon ng 2016 ay nagbibigay na ang pamahalaan ng Antique ng tulong para sa mga OFW na pinili nang manatili sa bansa.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: