Press "Enter" to skip to content

27 Years Old Na COVID Survivor, Nag Share Ng Kanyang #CovidJourney

Manila, Philippines – Isang Facebook post ang nag trending ngayon sa social media matapos nitong ibahagi ang mga karanasan bilang isa sa mga nag positibo sa sakit na COVID-19 at kung paano niya ito napagtagumpayan.

Ang pag kompirma ng sakit

Si Phen Ambay, bente siete (27) anyos na isang ina ang ay nag salaysay ng kanyang karanasan sa social media matapos nitong gumaling sa COVID-19.

Ayon kay Phen ay tila hindi niya inaasahan ang isang tawag ang dudurog sa kanyang puso at ito nga ay nang ikompirma ng doktor na silang mag-asawa ay nag positibo sa COVID-19.

27 Years Old Na COVID Survivor, Nag Share Ng Kanyang #CovidJourney 2
Photo Credits: Phen Ambay/Facebook

Ayon sa doktor na tumawag sa kanya,

“Mam Josephine, sorry po pero nagpositive po kayo sa swab test, kayo pong dalawa ng asawa mo.”

Tila hindi na raw nakasagot pa si Phen sa kausap dahil sa pag kabigla at tila pag iyak na lamang ang nagawa nito.

Dagdag pa ni Phen,

“Di ko alam kung anong gagawin ko. Na shock ako. Pero sabi ng nanay ko tumahan kana. Wala ka ng magagawa kundi tanggapin.”

Mga sintomas

Noong una ay inakala lang ni Phen na trangkaso lamang ang kanyang nararamdaman ngunit ng makaramdam ng mga sintomas na maaaring makuha ng isang COVID positive ay naisipan na niyang mag pa swab test.

27 Years Old Na COVID Survivor, Nag Share Ng Kanyang #CovidJourney 3
Photo Credits: Phen Ambay/Facebook

Ang mga sumusunod ay ang mga sintomas na naramdaman ni Phen:

  • Pagsakit ng buong katawan at mga buto
  • Nahirapan sa paghinga
  • Nawalan ng panlasa at pang amoy
  • Nilalamig
  • Pananakit ng ulo
  • Pagtatae

Nang maramdaman niya ang mga ito ay agad raw siyang nag search tungkol sa COVID.

Aniya,

“At nagsearch ako kung anong sintomas ng Covid at yan nga mga sintomas na nga.
Umiyak na ko. Pinaiwas ko na sila mama. At nagdecide na ko magpaswab just to make sure at para wala ng mahawaan pa.”

Sa quarantine facility

Sa unang araw ni Phen sa isang health facility ay tila hindi pa rin niya alam ang kanyang gagawin at palagi pa rin itong umiiyak. Dahil na rin sa pagkakalayo niya sa pamilya at sa diskriminasyon na nararanasan ng mga gaya niya.

27 Years Old Na COVID Survivor, Nag Share Ng Kanyang #CovidJourney 4
Photo Credits: Phen Ambay/Facebook

Araw-araw din daw na masarap at masustansya ang pagkain na ibinibigay sa kanila. Maliban sa higaan na saksi umano sa kanyang bawat pagluha ay higit na mas kumapit si Phen sa Panginoon.

Aniya,

“Walang kang ibang kakapitan kundi ang Diyos. Alam ko isa lng ito sa mga pagsubok na pagdadaanan ko. Kumakalma ang puso at isip tuwing nagbabasa ako ng Salita ng Diyos.”

27 Years Old Na COVID Survivor, Nag Share Ng Kanyang #CovidJourney 5
Photo Credits: Phen Ambay/Facebook

Makalipas ang sampung araw na quarantine ay muling nag patest si Phen at sa wakas ay nag negatibo na rin ang resulta nito.

27 Years Old Na COVID Survivor, Nag Share Ng Kanyang #CovidJourney 6
Photo Credits: Phen Ambay/Facebook

Wala naman daw ginastos sila Phen mula sa pag papa-swab test hanggang sa pag i-stay nila sa loob ng quarantine facility.

Aniya,

“Wala po kaming ginastos sa pagpapaswab test at sa Pagstay sa Facility. Lahat po ay sagot ng Gobyerno. Makipag coordinate lang po kayo sa mga Health Center niyo at Brgy.”

Mensahe ni Phen

Paalala naman ni Phen para sa ating mga kababayan na palaging mag-ingat at huwag raw matakot magpakonsulta sa doktor kung may kakaibang maramdaman at tatagaan rin daw ng bawat isa ang kanilang mga loob.

Dagdag pa niya,

27 Years Old Na COVID Survivor, Nag Share Ng Kanyang #CovidJourney 7
Photo Credits: Phen Ambay/Facebook

“Kaya nating labanan ang Covid 19. Unawain at wag husgahan ang mga nakakaranas nito. We heal as one. Napakabuti ng Diyos. Salamat sa kagalingan.”

Nagpasalamat din si Phen sa mga kaibigan niya na walang sawa na nagpapadala sa kanilang mag-asawa ng ayudang pagkain at mga supplies na kakailanganin nila.

Source: Phen Ambay Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: