Press "Enter" to skip to content

2nd Tranche Ng SAP, Tatapusin Daw Kaagad??

Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin agad ang pamamahagi sa second tranche ng Social amelio­ration program (SAP) na proyekto ng pamahalaan sapagkat tinatarget nila ang itinakdang deadline ng distribusyon.

Target ng pamamahagi ng SAP

Ipinahayag ito dahil sinisikap ng pamahalaan na maitakda sa deadline ang pamamahagi kasabay ng pagtatapos ng Bayanihan To Heal As One Act sa ika-25 ng Hunyo kung saan dito nakapaloob ang sinasabing P200-M na pondo para sa SAP.

2nd Tranche Ng SAP, Tatapusin Daw Kaagad?? 2
Photo Credit: Pilipino Mirror

Sabi ni DSWD Undersecretary Glen Paje, ang ayuda para sa 1.3 milyong kasapi sa 4Ps ay naipamahagi na.

Sa ngayon, kasalukuyang ipinamamahagi na rin ng pamahalaan ang ikalawang bugso ng SAP sa Cordillera Administrative Region at maging sa Baguio City.

Mas mabilis na ang pamamahagi

Sa kabilang banda, inaasahang sisimulan ngayong linggo ang pamamahagi ng SAP sa ibang mga lugar tulad ng Davao, Regions 4-B, 5, 9 at Caraga.

2nd Tranche Ng SAP, Tatapusin Daw Kaagad?? 3
Photo Credit: Metro News Central

Ayon kay Paje, naniniwala silang mas mabilis na ang kanilang pamamahagi ng SAP ngayon sapagkat katuwang na nila ang mga digital platforms tulad ng Gcash, Landbank, Paymaya at iba pa.

Kasalukuyang 17 milyon ang pinaplanong mabigyan ng ayuda sa ilalim ng 2nd tranche ng SAP, kasama na rito ang limang milyong idinagdag ng Pangulo.

Waitlisted o left-out beneficiaries

Sa tala ngayon ng DSWD nasa 1.3M mga 4Ps beneficiaries na mayroong cash card holders ang nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP na mayroong kabuuang halaga na P6.7B.

Sunod dito ang sinasabing mga waitlisted o left-out beneficiaries, ang mga benepisyaryong kwalipikado ng SAP na hindi naisama sa unang pamamahagi noong Abril at Mayo.

Sabi ng DSWD, huwag mag-alala sapagkat ang mga waitisted at left-out beneficiaries ay makatatanggap ng First at Second Tranche ng SAP.

Source: Pilipino Mirror

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: