Press "Enter" to skip to content

3 Miyembro Ng 4Ps, Huli Sa Aktong Nagsusugal

Arestado ang tatlong miyembro ng 4Ps nang mahuli ito sa aktong nagsusugal. Ang mga ito ay residente ng San Jose, Nueva Ecija. Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Illegal Gambling

Sa isang viral post ni P/Lt Col Heryl “Daguit” Bruno, inilahad nito ang iilang detalye ng pagkakaaresto sa tatlong 4ps members. Aniya ay isinagawa nila ang anti-illegal gambling operation kahapon, Apr 12, 2020 dakong 1:30 ng hapon. Naganap ang insidente sa Brgy. Sto. Niño 2nd, San Jose City, Nueva Ecija. Ang mga arestadong suspek ay pawang mga buntis na kababaihan. Dagdag pa riyan, liban sa pagkakaaresto sa mga suspek, ang mga nakumpiskang gamit ng mga ito sa pagsusugal ay kinalap bilang ebidensya laban sa mga ito.

3 Miyembro Ng 4Ps, Huli Sa Aktong Nagsusugal 2

Heto ang kabuuang post ni P/Lt Bruno:

“3 MEMBERS OF 4Ps ARRESTED FOR VIOLATION OF PD 1602 (ILLEGAL GAMBLING)

OOA 1:30 PM of April 12,2020 Elements of this station led by PLTCOL HERLYL L BRUNO, COP conducted Anti-Illegal Gambling Operation at Brgy. Sto. Niño 2nd, San Jose City, Nueva Ecija which resulted in the arrest of the suspects The arrested suspects and the confiscated pieces of evidence were brought to this station for documentation and proper disposition.A Case of Violation of PD 1602 is being prepared for filing against the suspects.”

3 Miyembro Ng 4Ps, Huli Sa Aktong Nagsusugal 3

Re-assess

Bunsod ng balitang ito, maraming netizens ang nagsusuhestyon ng pagkabuwag o re-assessment ng 4ps. Anila ay tila nagiging kampante sa pagtanggap ng buwanang sustento ang mga miyembro nito at hindi na kinakailangan pang kumayod ng buto para kumita. Marami ang nagpabatid ng pagkadismaya lalo na at nasa panahon tayo na kung saan ay may kinahaharap na epidemya ang bansa at unang prayoridad ng gobyerno ay ang mga 4ps members.

Umaaray na din ang mga nasa “middle class” na syang hindi natutuunan ng sapat na atensyon ng gobyerno sa panahong ito.

Source: Facebook P/Lt Col Heryl “Daguit” Bruno

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: