Press "Enter" to skip to content

3-Taong Gulang Na Batang Babae, P4t4y Matapos Pagtatagain Ng Lasing Na Ama

Isang panawagan ng paghingi ng tulong pinansyal ang pinabatid ng netizen na si Geza May C. Buslon upang matulungan ang kanyang pumanaw na inaanak.

Tulong Pinansyal

Sa post ni Buslon, nanghihingi ito ng tulong para sa kanyang inaanak na si Baby Leira Jean Baloria, tatlong taong gulang matapos itong pags4s4s4ks4kin ng kanyang ama habang natutulog. Pati ang ate ng biktima na labing-apat na taong gulang na nagngangalang Mary Joy ay nagtamo din ng mga s4ks4k at kasalukuyang nasa ospital. Sa kasamaang palad, namayapa si baby Leira Jean at hindi kinaya ang mga natamong s4ks4k.

3-Taong Gulang Na Batang Babae, P4t4y Matapos Pagtatagain Ng Lasing Na Ama 2

Karumal-dumal

Ang karumal-dumal na pangyayari ay naganap sa. Sitio Ilaya Estaca, Pilar, Bohol. Sa post nito,

“Humingi ako ng permiso pra e.post ang aking Inaanak na si Baby Leira Jean Baloria,3 yrs.old ,Sitio Ilaya Estaca, Pilar, Bohol. Nag.usap kami ng Ina ni Baby Liera tungkol sa kanilang sitwasyon nais po naming humingi ng tulong sa may bukas na puso kahit kunti pra matulungan natin si Baby Liera at ang kanyang Ina.”

3-Taong Gulang Na Batang Babae, P4t4y Matapos Pagtatagain Ng Lasing Na Ama 3

Kasalukuyang nakaburol si Baby Leira sa kanilang bahay. Dagdag pa rito, nagtamo ng s4ks4k sa dibdib, tyan, at kaliwang kamay ang bata habang natutulog ng mahimbing. Ang kapatid nito na 14-na taong gulang ang unang nagtamo ng pagmamalupit ng kanilang ama. Pinutol nito ang mga daliri ni Mary Joy, pati na ang dalawang kamay ng dalaga.

“Ngayon nakaburol ang katawan ni Baby Liera namatay siya dahil pinatay siya ng kanyang sariling Ama sinaksak ang bata sa dibdib sa kaliwang kamay at sa tiyan niya habang ito’y natutulog at magkatabi sila ng kanyang Ate 14 yrs.old unang sinaksak ang kanyang Ate ng kanyang Ama putol nito ang mga daliri at putol din ang dalawang kamay at ngayon nasa Hospital pa ang kanyang Ate.”

Lasing na ama

Sinagot din ni Buslon ang tanong kung nasaan ang ina ng mga bata nang mangyari ang insidente.

“Sa mga nagtatanong kung nasaan ang kanilang Ina sa mga pangyayari nandyan po siya hindi niya masyadong naagapan dahil may anak na sanggol.”

3-Taong Gulang Na Batang Babae, P4t4y Matapos Pagtatagain Ng Lasing Na Ama 4

Ayon sa isa sa mga komento ng nagpost, hindi nito kilala nang personal ang ama ng mga bata. Ang ina lamang ng mga ito ang kanyang kumare. Kwento pa ng nanay, umuwing lasing ang kanyang asawa nang gabing iyon. Hindi nito alam na may dala itong itak dahil walang kuryente sa kanilang bahay. Tinag4 nito ang kanyang panganay na anak at nadamay ang tatlong taon na si Baby Leira dahil katabi nito ang matulog ang kapatid.

Dasal at tulong

Panawagan ng pamilya,

“Humingi sila ng kunting tulong pra sa kanilang gastusin at pangangailangan nila para sa burol at libing ni Baby Liera at pra sa kanyang Ate rin na nasa Hospital pa ngayon.”

3-Taong Gulang Na Batang Babae, P4t4y Matapos Pagtatagain Ng Lasing Na Ama 5

Liban pa diyan, higit na kinakailangan ng taimtim na pagdarasal para sa pagpanaw ng inosenteng bata.

“Humihingi din po ako sa inyo na isama po natin si Baby Liera Jean sa prayers natin dahil isa siyang anghel na walang kamuwang muwang.Maraming Salamat po sa inyong lahat kung sino ang nais tumulong sa kanila. God Bless You AllπŸ™πŸ˜‡”

Source: Geza May C. Buslon

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: