Press "Enter" to skip to content

3 Taong Gulang Na Senior Citizen At Higit 50k Centenarians Nasa Database Ng PhilHealth

Manila, Philippines – Ibinulgar ni Senador Francis Tolentino na may miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mga senior citizens na may edad na mahigit isang daang taon at isang tatlong taong gulang na bata na nakalista bilang matanda.

Kwestyonableng database

Sa kanyang deliberasyon sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa isinasagawang imbestigasyon sa anomalya, sinabi ni Tolentino na maraming kuwestiyonableng item sa database ng members ng ahensiya.

3 Taong Gulang Na Senior Citizen At Higit 50k Centenarians Nasa Database Ng PhilHealth 2
Photo Credit: Philnews

Natagpuan ni Tolentino na may miyembro ang PhilHealth na ipinanganak noong 1899 at 1900, bago pa magkagiyera ng Unang World War.

Ani nito,

“Under pa ho tayo ng American rule noon, ang ating military governor-general, si General Arthur MacArthur pa at buhay pa po noon si Apolinario Mabini, buhay pa si General Emilio Aguinaldo.”

Pag-amin ni Morales

Naunang Inamin ni PhilHealth president and chief executive officer Ricardo Morales sa ginanap na pagdinig noong Agosto 4 na may 5,000 miyembroo ang ahensiya ng mga edad 130 anyos na nananatiling nasa database dahil walang dokumentong magpapatunay na namatay na sila.

3 Taong Gulang Na Senior Citizen At Higit 50k Centenarians Nasa Database Ng PhilHealth 3
Photo Credit: Inquirer.net

Nitong Martes, nilagyan ng tag ang naturang miyembro bilang “as an anomaly. Inatasan na niya ang regional offices na iberipika sa kinauukulang awtoridad ang pagkakakilanlan at kalagayan ng mga centenarian members sa kanilang database.

Samantala, sinabi ni Tolentino na mas higit sa naturang bilang ang “super-centenarian” dahil may 42,000 sa isang rehiyon lamang. Aniya, maapektuhan ang National Identification System kung pagbabasehan ang database ng PhilHealth.

‘Overbloated’ na listahan

Bukod sa mahigit 100 taong gulang na PhilHealth beneficiaries, tinukoy pa ni Tolentino ang mga miyembro ng may edad 60 pababa na kinilala bilang “active senior citizen” members.

3 Taong Gulang Na Senior Citizen At Higit 50k Centenarians Nasa Database Ng PhilHealth 4
Photo Credit: Inquirer.net

Base sa database ng PhilHealth nitong Setyembre 27, 20-18, kabilang sa senior citizen ang isang 56-year-old, isang 34-year-old, isang 18-year-old, at tatlong taong gulang.

Ayon kay Tolentino,

“So it is possible that we have an overbloated list of members.”

Tiniyak naman ni Morales na patuloy nilang nililinis ang kanilang database ng may 109 miyembro at makikipag-ugnayan sila sa Philippine Statistics Authority at Department of Social Welfare and Development hinggil dito.

3 Taong Gulang Na Senior Citizen At Higit 50k Centenarians Nasa Database Ng PhilHealth 5
Photo Credit: MSN

Ani ni Morales,

“Yung database po ng corporation is a very important portion of its operations…Mahirap ho mag-maintain ng database… so constant po talaga ang effort sa paglinis ng database.”

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: