Press "Enter" to skip to content

32 Ex-Dawla Islamiyah Combatants, Binigyan Ng Food Packs ng OPAPP

Ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ay namahagi ng mga food pack sa 32 na dating combatants ng Daesh-inspired na Dawlah Islamiya (DI) terrorists sa Lanao del Sur.

Pagbigay ng tulong

Sinabi ng 1st Infantry Division sa isang pahayag nitong Martes, Hulyo 28 na ang relief assistance ay isinagawa ng pamahalaang bayan ng Piagapo at 82nd Infantry Battalion ng Army.

Sinabi nito na ang bawat isa sa 32 dating mga miyembro ng DI ay tumanggap ng 20 kilong bigas at iba’t ibang mga grocery item mula sa OPAPP. Ang pamamahagi ay ginanap nitong Lunes, Hulyo 27 sa bayan ng Piagapo.

Si Abdul Hakim Limug, kinatawan ng OPAPP, tiniyak sa mga dating DI combatants na susuportahan ng gobyerno ang kanilang rehabilitasyon at reintegration sa lipunan.

32 Ex-Dawla Islamiyah Combatants, Binigyan Ng Food Packs ng OPAPP 2
Photo Source: Wikipedia

Ang isa sa mga sumuko ng DI, si “Asis”, ay nagpasalamat sa gobyerno sa suporta na naibigay sa kanila.

Sinabi ni Asis gamit ang sariling diyalekto,

“We are thankful to the government for all the help extended to us. Through your sacrifices, we are able to change and live righteous life.”

(Kami ay nagpapasalamat sa pamahalaan sa lahat ng tulong na naibigay sa amin. Sa pamamagitan ng iyong mga sakripisyo, nagagawa nating mabago at mamuhay ng matuwid na buhay.)

Programa para sa mga nagbalik loob

Sinabi ng 1st Infantry Division na ang mga sustainable livelihood programs ay nililikha bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang munisipal ng Piagapo at iba pang ahensya ng gobyerno na matulungan ang dating mga DI extremists sa kanilang “paglalakbay tungo sa mapayapa at normal na buhay”.

Ang Municipal Agriculture Office ng Piagapo, Office of the Provincial Agriculture, Technical Education, and Skills Development Authority, at ang 82nd Infantry Battalion ay nagtutulungan sa paggawa ng Agri-Crop Production Program para sa mga dating DI fighter sa lugar.

Nanawagan si Piagapo Vice Mayor Ali Sumandar sa mga dating miyembro ng DI na magpatuloy sa “pagyakap sa kapayapaan at magpatuloy na mabuhay sa mga mithiin ng Islam”.

Sabi ni Sumandar,

“Piagapo is a Peace-loving municipality. Your rehabilitation and reintegration to the mainstream society will prove that indeed we are peace-loving and that we denounce any forms of violence and terrorism in our society for it is unIslamic.”

(Ang Piagapo ay isang munisipal na mapagmahal sa kapayapaan. Ang inyong rehabilitasyon at reintegration sa lipunan ay magpapatunay na tunay na mapagmahal tayo sa kapayapaan at itinatakwil natin ang anumang anyo ng karahasan at terorismo sa ating lipunan sapagkat ito ay unIslamic.)

Pahayag ni Commander

Si Lt. Col. Rafman Altre, 82nd Infantry Battalion Commander, ay pinasalamatan ang pamahalaang munisipal ng Piagapo para sa “sipag at sakripisyo” sa pagtanggap at pagtulong sa mga dating DI combatants.

Sabi ni Altre,

“I believe that we are on the right track. The 82nd Infantry Battalion strongly supports all the developmental programs of the Municipality of Piagapo especially in rehabilitating and reintegrating our FR (former rebel) brothers who decided to embrace peace.”

(Naniniwala ako na nasa tamang landas kami. Mahigpit na suportado ng 82nd Infantry Battalion ang lahat ng mga developmetal programs ng munisipalidad ng Piagapo lalo na sa rehabilitasyon at reintergrasyon ng ating mga kapatid na FR (former rebel) na nagpasya na yakapin ang kapayapaan.)

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: