Press "Enter" to skip to content

33 Suspected Dengue Cases Naitala Sa Cotabato Sa Loob Lamang Ng Isang Araw

Kinumpirma ng isang barangay health center sa Cotabato na nagkaroon ng 33 hinihinalang dengue cases sa isang evacuation center sa kanilang lugar. Naitala ito sa Bayan ng Makilala sa Cotabato.

Suspected dengue case

Ayon sa barangay health worker na si Norma Bayaan, 33 pasyente ang hinihinalang suspected cases dahil nagpakita umano ang mga ito ng sintomas ng dengue- lagnat at pagkakaroon ng rashes. Pinayuhan ang mga ito na magpatingin sa doktor.

Self-medication

Ganunpaman, 19 na pasyente lamang ang naidala sa ospital at ang natitirang 14 ay mas pinili lamang na manatili sa kanilang bahay at magself-medicate. Ayon pa kay Bayaan, umiinom lamang umano ng tawa-tawa ang ibang pasyente na piniling manatili sa bahay. Gayunpaman, pinapayuhan ang mga ito na magpatingin sa kanilang health unit upang mabigyan ng tamang gamot.

33 Suspected Dengue Cases Naitala Sa Cotabato Sa Loob Lamang Ng Isang Araw 2

“They just drink tawa-tawa concoctions as medications, however we still advised them to seek medical attention in our rural health unit so that they will be given proper medications,”

Ang 19 na pasyente ay nadala sa Midway Hospital, Makilala Medical Specialist Center at ang iba pa ay sa Cotabato Provincial Hospital sa Barangay Amas.

Ang 33 suspected dengue patients ay kasalukuyang namamalagi sa isang evacuation site sa Barangay Luna Norte. Ang mga ito ay residente ng Barangay Bato sa Makilala na syang higit na naapektuhan ng lindol noong nakaraang taon.

“Dengue-carrying mosquitoes might have bred in the nearby rubber plantation where there are plenty of coconut shell used to clasp the rubber cuplums,”

Higit 171 na pamilya ang pansamantalang namamalagi sa evacuation site matapos na ideklara ng Mines and Geoscience Bureau na “high risk” ang area na tinitirhan ng mga evacuees.

Fogging

Iniutos naman ni Georgina Sorilla, Makilala Health Officer na magsagawa ng fogging operations sa area upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa lugar. Pahayag pa ni Sorilla, karamihan sa mga pasyente ay bata na hindi tataas sa edad na 24 na taong gulang.

Sa kasalukuyan, higit 70 kaso na ng dengue ang naitala sa Makilala na kung saan ay 2 na ang naitalang pumanaw.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: