Press "Enter" to skip to content

4 Na Lalaki, Arestado Matapos Ipambili Ng Shabu Ang Nakuhang Ayuda Mula SAP

Isang benepisyaro ng social amelioration program, dinampot ng mga pulis matapos mahuli sa isang shabu session kasama ang tatlo pang mga lalaki.

Ang detalye

Arestado ng pulisya nitong Huwebes ang apat na lalaki sa Pagsanjan, Laguna dahil sa paghihithit ng ipinagbabawal na shabu.

4 Na Lalaki, Arestado Matapos Ipambili Ng Shabu Ang Nakuhang Ayuda Mula SAP 2
Photo credit: Twitter

Ayon sa hepe na si Police Capt. Fernando Credo, mayroon daw residente na nag tip sa Pagsanjan police ukol dito. Ito nama’y agad nilang nirespondehan at dagling tinunton ang mga suspek.

Huli sa akto ang apat na nasabing mga lalaki na nasa gitna pa ng kanilang shabu session sa isang tago na sagingan sa Barangay Buboy, Pagsanjan.

Cash aid

Isa sa kanila ay umanoy benepisyaro ng social amelioration program ng gobyerno. Siya raw ay nakatanggap nito lang ng cash assistance na P6,500.

4 Na Lalaki, Arestado Matapos Ipambili Ng Shabu Ang Nakuhang Ayuda Mula SAP 3
Photo credit: MSN.com

Ngunit imbes na ipambili ng mga groceries at iba pang mga necessities ang ayuda, ginamit niya ito para bumili ng shabu. Nagkaayaan ang apat na nagresulta na nga sa pagdampot sa kanila ng mga awtoridad.

Sa gulat naman ng mga pulis, ito’y inamin agad ng nasabing suspek. Hindi na niya itinanggi pa ang paggamit ng iligal na droga. Dinagdag pa niya ang pagsabi na ang parte ng nga cash aid ang kanya ipinambili.

Ang mensahe

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kaso sa iligal na paggamit ng droga na naglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

4 Na Lalaki, Arestado Matapos Ipambili Ng Shabu Ang Nakuhang Ayuda Mula SAP 4
Photo credit: ABS-CBN News

Iminungkahi naman ng arestadong benepisyaryo ang pagsisisi sa kanyang naging desisyon. “Sana sa lahat ng nakatanggap sana gamitin sa mabuti, ipambili ng pagkain keysa ibili ng bisyo kung ayaw niyo matulad sa akin,” aniya.

Ang cash subsidy ng gobyerno sa ilalim ng social amelioration program ay ibinigay upang makatulong sa lahat ng mamamayan sa gitna COVID-19 pandemic. 

Nakakalungkot isipin na mayroon pa ring mga nakakaisip na gamitin ito sa hindi magandang mga bagay tulad ng ipinagbabawal na gamot.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: