Press "Enter" to skip to content

4 Na Lalaking Lasing Nanugod At Nanakit Ng Kapitbahay!

Kumakalat ngayon sa social media ang video ng apat na lalaking lasing kung saan ay sinugod nito ang kapit bahay nilang babae. Ayon sa babae bukod sa lumabag na ang mga ito sa liquor ban ay sinaktan pa nito ang anak nyang babae na isang menor de edad.

Ang sinugod

Si Mae Nuevos ang nag-upload ng nasabing video kung saan ito ay humihingi ng tulong dahil sa ginawang panunugod dito ng 4 na lalaking lasing at kasama nitong isa pang babae. Aniya, plinano diumano ng mga ito ang ginawang panunugod sa kanila kung saan ay nadamay na masaktan ang kanyang anak.

Ang Sinugod- Liquor ban
Photo Credit: Facebook

Ayon dito nang gabing iyon ay kumakain diumano si Mae at ang kanyang mga anak nang marinig nito ang mataas na boses ng isang babae at mga kasama nito sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lang itong dinuro-duro kaya ito ay nagalit. Sabi pa nito sinaktan pa ng mga ito ang kanyang anak na menor de edad na pilit umaawat sa mga nanugod sa kanila na kasama ni Rodel Balida na alyas alpon.

Ang gawain ng grupo

Sabi pa ni Mae si Rodel at ang kanyang mga kasama ay gawain na diumano ang ganitong sistema ng panunugod sa kanilang lugar at sa katunayan hindi lamang ito ang nakararanas ng ganitong pangyayari mula sa mga ito.

Ang Gawain- Liquor ban
Photo Credit: Facebook

Samantala nanawagan ito na sana ay makarating ang naturang video na kanyang inupload sa programa ni Raffy Tulfo at sa mga kinauukulan upang makasuhan ang mga ito dahil sa ginawanag panunugod at paglabag sa liquor ban, gayundin ang pananakit na ginawa sa kanyang menor de edad na anak.

Sa ngayon ang video ay patuloy na kumakalat sa social media at nagkakaroon na ng iba’t-ibang kumento.

Narito ang nasabing video

Posted by Mae Nuevos on Sunday, May 24, 2020

Sa iba pang balita at update sa mga susunod na pangyayari maaring bisitahin ang pinasbalita.org

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: