Press "Enter" to skip to content

424 Na Mga Estudyante, Maaaring Mawalan Ng Scholarship – CHED

Ipinaalam ni CHED Chairman J. Prospero De Vera III na maaaring maapektuhan ang scholarship ng 424 na mga estudyante dahil sa patakaran ng ilang mga Higher Education Institution (HEI) na ipasa ang kani-kanilang mga mag-aaral.

Ang mga nararapat gawin

Mula sa nasabing epekto sa mga estudnyate, ipinaalam ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga unibersidad at mga kolehiyo na kinakailangan nilang makapagbigay ng numerical na grado ng mga estudyanteng na nasa ilalim ng merit scholarship na programa ng CHED upang matuloy ang mga benepisyo na kanilang nakukuha.

424 Na Mga Estudyante, Maaaring Mawalan Ng Scholarship - CHED 2
Photo Credit: Philippine Information Agency

Ang mga hinihingan ng numerical na grado ay ang mga Higher Education Institution (HEI) na nagpatupad ng “pass all” na patakaran sa kanilang mga institusyon. Ang CHED Chairperson na si Dr. J Prospero E. De Vera III ay nagpadala na ng sulat sa mga Presidente ng mga institusyon na nasabi upang agaran na maibigay ang kanilang hinihingi.

Bakit mga CMSP Scholars lang?

Ang mga estudyante na nakikinabang sa CHED Merit Scholarship Program (CMSP) ang maaaring maapektuhan ng nasabing pagkawala, ito ay dahil ang CMSP ay iginagawad lamang batay sa scholastic performance ng estudyante, hindi tulad ng ng mga programa na Tertiary Education Subsidy (TES) at Tulong Dunong.

424 Na Mga Estudyante, Maaaring Mawalan Ng Scholarship - CHED 3
Photo Credit: Four Square

Ang mga CMSP scholar ay dapat mapanatili ang general weighted average (GWA) na 85% para sa mga full scholar at 80% para sa mga half scholar. Ayon kay Dr. De Vera III, ang problema ay ang paglunsad ng pass all na patakaran, pinaalalahanan nila ang mga HEI na dapat ang interes ng bata ay hindi isasawalang-bahala.

Ang mga institusyon na kabilang

Ipinaalam naman ng CHED noon pang Hunyo, na dapat makapagbigay sila ng numerical na grado ng mga estudyante na nasa ilalim ng programa na CMSP dahil kung walang gradong maiibigay, hindi nila alam kung ano ang magiging patunay na makakatanggap pa ang estudyante ng tulong pinasyal mula sa gobyerno.

424 Na Mga Estudyante, Maaaring Mawalan Ng Scholarship - CHED 4
Photo Credit: PBS

Narito ang mga institusyon na mayroong CHED Merit Scholars at nagpatupad ng pass all policy:

  • Saint Mary’s University
  • Bataan Heroes Memorial College 
  • De La Salle University – Dasmariñas
  • STI College Rosario
  • University of the Philippines Los Baños
  • Cavite State University
  • Mary Help of Christians College-Salesians Sisters Inc.
  • Ateneo de Naga University
  • Partido College
  • Pili Capital College, Inc.
  • Bicol State College of Applied Sciences and Technology
  • University of the Philippines-Visayas
  • Mindanao State University – Iligan Institute of Technology
  • Mindanao State University- Naawan
  • Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa, Manila
  • University of Baguio
  • Mindanao State University – Marawi

Binigyan ni De Vera ang mga institusyon ng petsa na Oktubre 30 upang maging itong deadline sa pagbibigay nila ng numerical na grado ng mga scholar ng CMSP. Ito ay nalalapit na upang masuri ng maayos ng regional office ang kanilang mga grado at matukoy kung nararapat pa nilang maipagpauloy ang programa.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: