Press "Enter" to skip to content

45 Minutes Rapid Test Kits Mula Amerika, Parating Na!

Darating na ngayong Biyernes ang unang batch ng mga rapid test kits na kayang mag-detect ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng 45 minuto.

Ang pagdating ng test kits

Ayon kay AnaKalusugan Representative Michael Defensor, darating na ngayong araw ang test kits na ginawa ng mga ospital sa New York. Kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Amerika.

45 Minutes Rapid Test Kits Mula Amerika, Parating Na! 2
Tabloid Network News

Ang mga test kits ay maihahatid sa mga susunod na mga linggo. Kasama ang paunang batch na 3,000 mga test kits na darating sa Maynila ngayong Biyernes, Abril 17. Ang lahat ng mga 185,000 na test ay diretso sa DOH. Ito ay upang maipadala kaagad kung kinakailangan.

Ang test kit

Ang Xpert Xpress SARS-CoV-2 test kit, ay nakabase sa California, na biotech firm na Cepheid Inc. Ito ay aprubado na ng U.S. Food and Drug Administration noong Marso 2. Binigyan ng rin ito ng clearance ng Food and Drug Administration (FDA) Philippine noong Marso 26.

45 Minutes Rapid Test Kits Mula Amerika, Parating Na! 3
Clinical Lab Manager

Ang mga bagong test ay magkatugma sa mga awtomatikong real-time na Professional Regulation Commission (PCR) GeneXpert machine. Mayroon ng hindi bababa sa 600 ng mga makina ang nasa publiko at pribadong healthcare facilities sa buong bansa.

Mabilis na resulta

Ayon pa kay Defensor, kung mas mabilis umano ang resulta ay malaki ang tsansang makikilala kaagad ang mga taong nahawa. At magiging mas mabilis na rin makokontrol ang pagkalat ng virus.

45 Minutes Rapid Test Kits Mula Amerika, Parating Na! 4
Semiconductor Digest

Hindi na rin umano dapat pang pag isipan ang mabilis at maaasahang test na ito kung nasa kritikal na sa pagsagip at pagprotekta ng mga buhay. Lalo na kung alam naman ng lahat na ang healthcare facilities ng Pilipinas ay mabagal sa pag detect mga taong pinaghihinalaang positibo COVID-19.

Pagpapasalamat

Ayon pa kay AnaKalusugan Rep, nagpapasalamat sila sa Geneva-based Global Fund dahil sa paglaban sa AIDS, Tuberculosis and Malaria. Ganun na rin sa Philippine Business for Social Progress (PBSP) na pinamumunuan ni G. Manuel V. Pangilinan.

Ang pasasalamat na ito ay sa pag-order ng 160,000 na mga test, at Asian Development Bank, para sa pag-order ng balanse ng 25,000 mga test para sa DOH.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: