Press "Enter" to skip to content

465 Returning OFWs, Nagpositibo Sa Covid Ayon Sa National Task Force on Covid-19

Ayon kay Chief Implementer Secretary Carlito Galvez ng National Task Force on Covid-19, 465 na returning OFWs ang nagpositibo sa coronavirus.

Sa isang virtual meeting ng Inter-Agency Task Force Martes ng gabi, ibinalita ni Galvez na ang 465 na OFWs ay sumailalim sa testing ng Philippine Red Cross. Ito ay kabilang sa 22,000 tests na isinagawa ng organisasyon. Sa kasalukuyan ay nasa 30,000 na OFW na ang natest.

Second wave

Dagdag pa ni Galvez, kung hindi sumailalim sa PCR test ang mga OFW ay maaaring ikonsidera ang mga kasong ito kabilang sa second wave.

“Kung hindi natin ni-PCR [polymerase chain reaction testing] ito, ‘yung 465 po na ito ay parang magiging second wave,”

465 Returning OFWs, Nagpositibo Sa Covid Ayon Sa National Task Force on Covid-19 2

Kung hindi aniya dumaan sa PCR test ang mga OFW ay kawawa ang mga local government units. Lalo na ang mga lugar na walang PCR at maayos na health facility.

“At kawawa ang mga local government units, lalo na yung mga walang alam tsaka walang PCR sa area at walang facilities. “

Dagsa

Ayon pa kay Galvez, ang pagdagsa o malaking bilang mga returning OFWs ay isa ding problema dahil napupuno na umano ang mga hotel sa Maynila na syang ginawang quarantine facilities pansamantala.

“Malaki po ang problema po natin sa returning OFWs. Kasi po sa ngayon po, more than 27,000 na po ang nandito sa Manila, at mayroon pa pong darating na 42,000 this coming May and June,”

Sa kabilang banda ay siniguro naman ni Galvez ang pangulo na nakikipagcoordinate na umano ito kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Ito ay upang mabigyan ng kaukulang atensyon ang problema. Dagdag pa nito, iniutos na umano ni Lorenzana ang pagpapa-release sa mga OFW na negatibo ang resulta ng test.

Covid cases

Sa kasalukuyan ay may higit na labindalawang libong kaso ng covid na kung saan ay may higit 800 na fatality at 2,800 na recoveries.

Sa ibang bansa ay may naitalang 2,400 na confirmed cases sa mga Pilipino. Sa Africa at Middle East ang may pinakamadaming naitalang kaso.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: