Press "Enter" to skip to content

48 Na Oras Ng Hard Lock Down Ipapatupad Sa Maynila

Last updated on July 2, 2020

Malalagay sa 48 na oras ang 31 na barangay sa Kamaynilaan, matapos na tumaas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. 

Pagdami ng mga positibo

Ayon sa pinirmahang Executive Order ni Mayor Isko, Ipapatupad ang Enhance Community Quarantine o ECQ sa nasabing bilang ng mga baranggay upang maisagawa ang disease surveillance, rapid risk assessment at testing operations, na bahagi ng pagkontra umano ng pamahalaan ng lungsod sa pandemyang COVID-19.

48 Na Oras Ng Hard Lock Down Ipapatupad Sa Maynila 2
Photo Credit: GMA News

Ang alkalde ay nag isyu ng kautusan, ng maberipika ng Manila Health Department o MHD na nakapagtala sila ng mataas na bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID-19, mula lamang noong nakaraang hunyo 15 hanggang 29, kasalukuyang taon.

Hard lockdown

Ang Hard lockdown na kautusan ng Mayor ay matutupad sa dakong 12 ng madaling araw sa hulyo 4 at matatapos naman dakong 11:59 ng gabi sa hulyo 5, linggo upang mamonitor ang pagdami at pagkalat ng mga nagpopostibo sa pandemyang virus na ito.

48 Na Oras Ng Hard Lock Down Ipapatupad Sa Maynila 3
Photo Credit: REMATE.PH

“On 29 June 2020, the Manila Health Department issued a Certification verifying that there are a total of one hundred forty seven (147) number of COVID-19 positive cases in the said 31 barangays,” nakasaad sa nasabing EO ni Mayor.

Mga barangay na sakop 

Narito Ang mga barangay na sasailalim sa 48 na oras na Hard lockdown. District 1 Brgys. 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 106, 116, 118, 120, 128, 129; District 2 Brgys. 163, 173, 180, 185, 215; District 3 Brgys. 275, 310, 343, 380; District 5 Brgys. 649, 724, 766, 775, 811; District 6 Brgys. 836, 846, at 847.

Ayon sa kautusan na ito, lahat ng nasasakupan na residente ng mga nakalistang 31 na barangay, ay hindi muna maaaring lumabas ng kanilang tahanan sa ilalim ng hard lockdown dagdag pa ni Mayor Isko.

48 Na Oras Ng Hard Lock Down Ipapatupad Sa Maynila 4
Photo Credit: Bannermedia.net

Maari namang makalabas ng kanilang tahanan ang mga health workers, military personnel, service workers, utility workers , essential workers (goods delivery, food delivery, banking at money services), barangay officials, at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force.

“All other commercial, industrial, retail, institutional and other activities not mentioned in above exemptions in the said district shall be suspended within the specified period of ECQ”.”Station commanders of police stations in the said barangays are hereby directed to employ and deploy officers and personnel in strategic locations and areas necessary for the effective implementation of the ECQ,” dagdag pa sa EO. 

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: