Press "Enter" to skip to content

5 Bata, Naulila Matapos Pumanaw Ang Kanilang Magulang Dahil Sa Sakit Na Covid-19

USA- limang bata na may edad dalawa hanggang 17 anyos ang naulila matapos pumanaw ng magka sunod na araw ang kanilang mga magulang dahil sa sakit na Covid-19.

Ang mag asawa

Ayon sa report, ang 60 taong gulang na si Humberto Ruelas Rivas ay namatay noong linggo, Hunyo 7 kasalukuyang taon. Samantalang, ang kaniyang asawa naman na si Karina Bonilla, 38, ay namatay noong Lunes, Hunyo 8.

5 Bata, Naulila Matapos Pumanaw Ang Kanilang Magulang Dahil Sa Sakit Na Covid-19 2
Photo Credit: 7NEWS Adelaide

Sambit ng anak,

 “Sa loob ng anim na araw, nawala ang aking ama. At sa loob ng walong oras, nawala naman ang aking ina.”

Pagmamahal sa kapatid

Ang panganay na anak ay nagbabalak sanang magpakasal, ngunit sa nangyari ay nais niyang makuha ang kustodiya ng mga kapatid. 

Dagdag pa niya,

“Masaya akong gawin ito para alaala ng aking ama.”

5 Bata, Naulila Matapos Pumanaw Ang Kanilang Magulang Dahil Sa Sakit Na Covid-19 3
Photo Credit: 7NEWS Adelaide

Ayon sa dalaga, ang kaniyang step mother na si Karina ang unang nagkaroon ng Corona virus. Maaring nakuha raw ni Karina ito sa kaniyang trabaho bilang nagbebenta ng mga prutas. Ang kaniya umanong step mom, ay nakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 subalit hindi ito nagpa isolate. At ito ang dahilan kaya  nahawa ang kanyang ama. 

Pag hingi ng tulong

Dagdag pa sa ulat, hindi na rin nagawang mag paalam ng dalaga sa kanyang ama.

Paliwanag niya,

“Kahit na sila ay namatay na, ang virus ay aktibo pa rin sa kanilang mga katawan, kaya hindi parin sila maaring hawakan. Umaasa akong hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.”

5 Bata, Naulila Matapos Pumanaw Ang Kanilang Magulang Dahil Sa Sakit Na Covid-19 4
Photo Credit: INQUIRER.net

Samantala, nag-set up ang pamilya ni Ruelas ng isang page ng GoFundMe para sa namatay na mag-asawa upang makapag bayad para sa kanilang libing at medikal na gastos. Ang layunin nito ay upang makalikom ng $ 70,000 (P3.51 milyon). Nakakuha naman ito ng higit sa $ 63,000 (P3.16 milyon).

Sa ngayon, ang 35 anyos naman na anak sa una na babae ni Humberto, ang mag aalaga ng mga naiwang limang nakakabatang kapatid. Mayroon din siyang 30 taong gulang na kapatid na nasa Ospital dahil na stroke at nag karoon ng Covid-19.

“Within six days, I lost my father. And within eight hours, I lost my stepmother.”

Posted by INQUIRER.net on Friday, June 12, 2020

Source:INQUIRER.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: