Press "Enter" to skip to content

5 PWDs Bumiyahe Mula Pangasinan Hanggang Rizal Ng Naka Wheelchair Lamang

Namataan ng ilang netizen ang limang (PWD), na nagtutulak ng kanilang mga wheelchair sa halos 200 kilometrong lakbayin para lamang makauwi sa gitna ng ipinatutupad quarantine sa komunidad.

Kilo kilo metrong paglalakbay

Sa balita ng “24 Oras” na inulat ni Cedric Castillo , ang grupo ay namataan ng isang siklista na si Ike Nicdao sa isang highway sa Paniqui, Tarlac. Ayon sa nakakita, sinabi sa kaniya ng mga PWDs na sila ay nagmula pa sa Rosales, Pangasinan. Hindi man nakasakay ay hindi naman sila natinag at nagdesisyong paring umuwi sa Cainta Rizal.

5 PWDs Bumiyahe Mula Pangasinan Hanggang Rizal Ng Naka Wheelchair Lamang 2
Photo Credit: GMA News

“Habang akoy nagbibisikleta nakita ko sa barangay cariño paniqui tarlac, nakita ko ang mga kapatid nating mga naka wheelchair. Tinanong ko sila kung saan sila papunta Ang sabi nila galing daw sila ng Rosales Pangasinan pauwi sila ng Cainta. Ayaw daw silang isakay kaya matyaga nilang binabaybay ang mahaba at delikadong daan patungo ng Cainta. Please paki like and share para matulungan sila dahil tinapay na Lang Ang baon at pagkain nila mga lumpo po sila” ayon sa post ni Ike Nicdao.

Pag iingat sa paglalakbay

Nakita ang grupo na nakasuot ng facemask at may mga nakakabit na payong sa kanilang wheelchair bilang proteksyon nila habang silay ay papauwi. Sa panayam sa grupo, kinumpirma nilang sila nga ang nakita sa video.

5 PWDs Bumiyahe Mula Pangasinan Hanggang Rizal Ng Naka Wheelchair Lamang 3
Photo Credit: GMA News

Ang ibang netizen naman ay nagsabi na nakita sila sa Calumpit Bulacan noong huwebes at sa MacArthur Highway sa Malolos. Ang isa naman sa kanila ay nahiwaly ng pangkat sapagkat patungo itong Quezon. Dagdag pa ng nakakita “Dire diresto lang po sila at parang hindi nagpapahinga.”

Nanlilimos pang tawid gutom

Bagamat napakalayo ng kanilang nilakbay, ay hindi sila nawalan ng pag asa na sila ay makakauwi sa kanilang tahanan. Kaya naman kahit na mahirap at napaka delikado ay pinilit nilang makarating sa kanilang pupuntahan.

5 PWDs Bumiyahe Mula Pangasinan Hanggang Rizal Ng Naka Wheelchair Lamang 4
Photo Credit: GMA News

Ayon pa sa grupo, sila ay nag lakbay ng anim na araw upang makauwi lamang. Kung minsan pa nga ay nanlilimos at humihingi sila ng tulong sa kanilang mga taong nadadadaan para lamang makakakain. Ang isang sibilyan na nakikita sa kanila, ay nagsabing kung alam lamang niya na napakalayo ng pinangalingan ng mga ito ay inabutan sana niya ito ng tulong.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: