Press "Enter" to skip to content

51-Anyos Na Magtataho, PinagBubUgb0g Matapos Pagbintangang Nambastos Sa Isang Babae

Kaawa-awa ang naging lagay ng isang magtataho mula sa isang lalaki na basta na lamang sya binUgb0g habang umiihi at pauwi na sa kanyang tahanan. Ito ay sa kadahilanang nambastos daw umano ang biktima sa asawa ng suspek.

Panawagang tulong

Nananawagan ng tulong ngayon sa kanyang Facebook account ang anak ng biktima na si Merycris Hernando dahil sa kinahantungan ng kanyang ama. Ang ama nito na si Genie Lase, 51-anyos ay isang magtataho. Ayon kay Merycris, ang kanyang ama ay mayroong epil3psy. Kasalukuyan itong nakatira sa Mabanogbog, Urdaneta Pangasinan.

51-Anyos Na Magtataho, PinagBubUgb0g Matapos Pagbintangang Nambastos Sa Isang Babae 2

“Ako po Si Merycris Hernando, nakatira po ngayon sa Antipolo City na humihingi po ng tulong para saaking ama na Si GENIE LASE 51years old, magtataho at may sakit na epilepsy nakatira po siya ngayon sa MABANOGBOG URDANETA CITY PANGASINAN.”

Pinagbintangan

Ayon sa post, binugbog si Lase ng lalaking nagngangalang JB Romano o mas kilala sa pangalan na “Balong” sa kanilang lugar. Naganap ang pambUbUgb0g noong ika-11 ng Oktubre bandang alas-onse ng gabi habang umiihi ang biktima at habang pauwi sa kaniyang bahay. Dahilan ng pananakit sa biktima ay binastos umano ni Lase ang asawa ni Romano.

51-Anyos Na Magtataho, PinagBubUgb0g Matapos Pagbintangang Nambastos Sa Isang Babae 3

“Oct 11,2020 gabi ng kanyang bugbugin ang aking ama habang umiihi at pauwi na sana sa kanyang bahay. pinagbibintangan po syang bumastos sa asawa ni Jb Romano”

Areglo

Pagdating sa barangay, umamin ang asawa ni Romano na hindi naman ito binastos ni Mang Genie. Dagdag pa riyan, babayaran na lamang umano ng mga suspek ang danyos sa pambUbUgb0g sa pobreng magtataho.

51-Anyos Na Magtataho, PinagBubUgb0g Matapos Pagbintangang Nambastos Sa Isang Babae 4

“ngunit ng pagdating sa brgy na umamin ito na hindi naman po sya nito binastos at babayaran na lamang daw po ang gastos sa pambugbog na ginawa nya saaking ama”

Hustisya

Hangad naman ni Hernando na matulungan ang kanyang ama na makamit ang hustisya mula sa pamimintang at pananakit sa kanyang ama na maysakit.

“Sana po matulungan nyo po ako maiparating kay Sir Raffy Tulfo ang aking hinaing para po mabigyang hustisya po ang ginawa nila saaking ama. Maraming salamat po.”

Ako po Si Merycris Hernando, nakatira po ngayon sa Antipolo City na humihingi po ng tulong para saaking ama na Si GENIE…

Posted by Sirc Akkie Roa Chou on Monday, October 12, 2020

Source: Sirc Akkie Roa Chou

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: