Press "Enter" to skip to content

5k-8k Na Ayuda Ng Social Amelioration Program Ginawa Ng Networking? May Downline Na?

Cash assistance hinati-hati sa tatlong pamilya. Katwiran ng Chairman ng barangay, kulang ang form na binigay sa kanila ng DSWD.

Utos ni kapitan

Isang residente ng Barangay Malabanias Angeles City, Pampanga na si Mar Macabali ang nagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo. Ito ay dahil sa maling gawain umano ng mga opisyal ng barangay. Ayon sa kanya, pinaghahati-hati ng mga opisyal ang Php5,000 to Php8,000 cash assistance sa tatlong pamilya.

5k-8k Na Ayuda Ng Social Amelioration Program Ginawa Ng Networking? May Downline Na? 2

Ito sa kabila ng utos ng pamahalaang nasyonal na bawat pamilyang kwalipikado ay bibigyan ng kanya kanyang ayuda at hindi paghahatian ng tatlong pamilya. Makikita sa video na kinunan ni Macabali na iginigiit ng opisyal ng barangay na maghahati-hati silang tatlong pamilya sa Php6,500. 

Ito umano ang utos ng kapitan ng kanilang barangay. Mabilis na umatras ang opisyal na malaman na kinukunan siya ng video.

Downline

Sa puntong ito, kinausap na ni idol Raffy ang kapitan ng nasabing barangay upang hingan ng paliwanag. Ayon kay Chairman Reynaldo Dueco, kulang ang SAC form na ibinigay sa kanila ng DSWD. Nasa 14,000 umano ang pamilya sa kanilang barangay ngunit 4,000 lamang ang ibinaba sa kanila ng DSWD. 

Dahil dito, nagdesisyon umano sila na hatiin sa tatlong pamilya ang halagang Php6,500. Ito ay para mas marami ang makinabang sa nasabing ayuda. Isang pamilya lamang ang ililista na siyang tayayong “upline” at ituturing na “downline” niya ang dalawa pang pamilya. Samakatuwid, tila naging networking ang sistema ng pamimigay ng ayuda.

Sinungaling ang DSWD

Katwiran ni Chairman, wala silang kasalanan sa nangyari dahil sadyang kulang ang ibinigay ng DSWD ng Region III. Nang tanungin umano niya kung paano na ang hindi maaabutan ng tulong ay hindi siya mabigyan ng malinaw na sagot. Wala daw silang magagawa dahil iyon lamang ang itinalagang bilang ng bibigyan sa kanilang barangay.

5k-8k Na Ayuda Ng Social Amelioration Program Ginawa Ng Networking? May Downline Na? 5

Giit pa ni Chairman, kasinungalingan umano ang sinasabi ng DSWD na per household ang pamimigay. Sila umanong mga kapitan ang naiipit at sumasalo sa galit ng tao. Kung kaya naman hinati-hati nila ang ayuda. Ganun din umano ang ginagawa ng ibang barangay sa kanilang nasasakupan.

Poorest of the poor

Para sa patas at malinaw na pag-uusap, hiningan din ng pahayag ni idol Raffy ang tagapagsalita ng DSWD na si  Director Irene Dumlao. Ani Dumlao, mali ang ginagawang paghati-hati ng mga barangay Chairman. 

5k-8k Na Ayuda Ng Social Amelioration Program Ginawa Ng Networking? May Downline Na? 6

Prayoridad umano ng programa na mabigyan ng ayuda ay iyon lamang pasok sa tinatawag na poorest of the poor. Samakatuwid, hindi talaga lahat ng pamilya ay mabibigyan ng ayuda. Binase umano nila ang bilang ng bibigyan ng ayuda sa datos na nakuha nila noong 2015.

Maling datos

Tanong naman ni Chairman, bakit doon sila ng kumuha ng datos? Luma na umano iyon at natural na sa loob ng limang taon ay madadagdagan ang bilang ng pamilya sa isang lugar. Sagot naman ni Dir. Dumlao, nagdagdag naman sila ng allowance sa bilang ng mga pamilya.

5k-8k Na Ayuda Ng Social Amelioration Program Ginawa Ng Networking? May Downline Na? 7

Kung sakali umanong kulang talaga ang binigay nilang SAC form, maaari umanong magsumite ang barangay ng mga pangalan ng mga kwalipikadong pamilya ngunit di nakatanggap ng ayuda. Pag aaralan umano nila ito upang magawan ng paraan.

Maayos na proseso

Pahabol ni Chairman, lahat ng kapitan sa buong Pilipinas ay problemado sa ginawang ito ng DSWD. Maling mali ang komputasyon nila dahil kulang na kulang ang binibigay nila sa bawat barangay.

Sa huli, sinabi ni Dir. Dumlao na ipasa ng Chairman ang listahan ng mga kukulanging pamilya sa LGU. Ang LGU naman ang makikipag-usap sa DSWD para sa maayos na proseso.

Narito ang kabuuang kwento ng nasabing video:

One Comment

  1. nelson nelson April 11, 2020

    pakitulongan namn po kmi dto sa broadway st.ampid 1 san mateo rizal.hanggang ngaun po hndi parin kmi pinuntahan ng DSWD.at balita ko po dto sa amin sa naririnig ko hndi daw kmi mabibigyan dto bkit po pareho lng nmn kmi nangangailangan ayuda galing sa governo kagaya ngaun po wala po aqng trabho dhil sa covid 19.san ako kukuha ng panggastos pra sa pamilya ko.eh ginagatas pa ang anak ko maawa nmn kayu dto sa bayan nmn marami ang nangangailangan sa tulong nnyo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: