Press "Enter" to skip to content

6 Abu Sayaff Patay, 8 Sundalo Sugatan Matapos Ang Panibagong Bakbakan Sa Sulu

Manila, Philippines – Mahigit 6 na kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay at walong sundalo ang nasugatan nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang bandidong grupo sa barangay Latih, bayan ng Patikul, Sulu kahapon.

Pag atake

Ayon kay Lt. Col. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, tumagal ng mahigit kalahating oras ang bakbakan na nagsimula bandang alas-6:00 ng hapon.

6 Abu Sayaff Patay, 8 Sundalo Sugatan Matapos Ang Panibagong Bakbakan Sa Sulu 2
Source: GMA Network

Habang tinutugis ng mga tauhan ng Philippine Army ang tumatakas na mga miyembro ng ASG, na hinihinalang pinamumunuan ni Radullan Sahiron, ay natagpuan ang anim na bangkay ng mga terorista na kinilalang sina Guro Khalid, Udal Muhamadar Said, isang alyas Budah at iba pang mga ksamahan nito.

6 Abu Sayaff Patay, 8 Sundalo Sugatan Matapos Ang Panibagong Bakbakan Sa Sulu 3
Source: Philstar

Ayon sa pahayag ni Major General Corleto Vinluan, ang JFT Sulu Commander, anim ang patay sa mga bandido habang kinumpirma nito na madami ang nasugatan at nakatakas sa nasabing enkwentro.

Nangyaring sagupaan

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng combat patrol ang mga tauhan ng 45th Infantry Batallion ng Philippine Army, sa bahagi ng Barangay Latih, Patikul, nang makasagupa ang ang grupo ng mga terorista.

6 Abu Sayaff Patay, 8 Sundalo Sugatan Matapos Ang Panibagong Bakbakan Sa Sulu 4
Source: Bombo Radyo

Samantala, walong sundalo naman ang nasugatan sa sagupaan na inilikas mula sa encounter site at itinakbo sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital at inilipat sa Camp Navarro General Hospital para lapatan ng lunas.

6 Abu Sayaff Patay, 8 Sundalo Sugatan Matapos Ang Panibagong Bakbakan Sa Sulu 5
Source: GMA Network

Magugunitang naka-engkuwentro noong nakalipas na linggo ng militar ang mga miyembro ng ASG, sa pamumuno nina Radullan Sahiron at Hatib Sawadjaan, sa Patikul kung saan napaslang ang 12 sundalo.

Mga gamit ng bandido

Ayon sa tagapagsalita ng AFP Western Command na si MJ Arvin Encinas, bukod sa mga bangkay, narekober sa puwesto ng mga bandido ang sari-saring gamit, kabilang ang ilang equipment ng mga napatay na miyembro ng Army 21st Infantry Battalion.

6 Abu Sayaff Patay, 8 Sundalo Sugatan Matapos Ang Panibagong Bakbakan Sa Sulu 6
Bombo Radyo

Patunay ito na ang mga bandidong nakasagupa sa Latih ay sangkot din sa naunang engkuwentro laban sa mga tauhan ng 21st IB.

6 Abu Sayaff Patay, 8 Sundalo Sugatan Matapos Ang Panibagong Bakbakan Sa Sulu 7
Source: TV Patrol

Matatandaang 12 tauhan ng 21st IB ang nasawi at 13 pa ang nasugatan nang makasagupa ang aabot sa 40 bandido sa Brgy. Danag, noong Abril 17.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, pinuno ng AFP Western Mindanao Command, patuloy ang operasyon laban sa Abu Sayyaf para tuluyan nang mawakasan ang bandidong grupo.

Source: TV Patrol

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: