Press "Enter" to skip to content

6,000 Katao Napilitang Lumikas Matapos Maganap Ang Pagsabog Sa Maguindanao

Ilang araw bago matapos ang Ramadan, higit sa 1,000 pamilya ang napilitang umalis sa kani-kanilang mga tahanan sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, lalawigan ng Maguindanao, matapos na masabugan ng mga mortar shells ang kanilang nayon, isang ulat mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Malupit na sinapit sa pagsabog

6,000 Katao Napilitang Lumikas Matapos Maganap Ang Pagsabog Sa Maguindanao 2
Source: Facebook

Sinabi ng Ministry of Social Welfare and Development ng BARMM, 1,282 pamilya o 6,410 na residente mula sa mga nayon ng Daplawan, Elian, at Kitango sa Datu Saudi Ampatuan ang umalis sa kani-kanilang mga komunidad at humingi ng tulong sa mga kalapit na lugar.

Nagsimula ito matapos salakayin ng mga armadong kalalakihan, na pinaniniwalaang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ang tatlong militar sa mga nayon ng Elian, Madia at Salbu bandang 9:00 ng gabi nitong Mayo 21 na tumagal ng hindi bababa sa tatlong oras.

6,000 Katao Napilitang Lumikas Matapos Maganap Ang Pagsabog Sa Maguindanao 3
Source: Facebook

Sinabi sa ulat, nagsimula ang mga pagsabog sa sumunod na araw sa Sitio Bayog sa Daplawan, kung saan ang isang 70-anyos na lalaki ay di umano’y tinamaan at namatay. At pagkalipas ng dalawang araw, habang nagaganap ang pagdarasal nitong Eid al-Fitr ng 3:00 ng hapon, isa pang pagsabog ang natamo sa Sitio Amai Zailon sa Kitango, kung saan namatay ang dalawang bata.

Hustisya ang hiling

Pinag-utos ni Carlito Galvez Jr., Peace adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang isang imbestigasyon nitong Martes ukol sa sinapit ng mga residente sa Maguindanao.

Pahayag ni Galvez, nalungkot siya sa malupit na insidente na tumupok sa nayon na nagdulot ng hindi bababa sa 15 kataong sugatan bukod sa ilang mga residenteng namatay.

6,000 Katao Napilitang Lumikas Matapos Maganap Ang Pagsabog Sa Maguindanao 4
Source: Facebook

Aniya,

“We would like to assure our Moro brothers and sisters that we shall leave no stone unturned as we seek justice for the victims,”

Dagdag pa niya,

“I would like to appeal to the residents who have been affected by the ongoing armed conflict, as well as the leadership of the BARMM, for calmness and sobriety as authorities conduct an investigation,”

‘Walang kinikilingang imbestigasyon’

Sinabi naman ni Naguib Sinarimbo nitong Lunes, regional interior at local government minister, nakilala niya si Maj. Gen. Cirilito Sobejana, kumander ng Western Mindanao Command, at Maj. Gen. Diosdado Carreon, kumander ng ika-6 na Infantry Division.

6,000 Katao Napilitang Lumikas Matapos Maganap Ang Pagsabog Sa Maguindanao 5
Source: Facebook

Ani ni Sinarimbo,

“[We intend] to get to the bottom of this incident and avoid making hasty conclusions pending the completion of the investigations,”

Dagdag niya na ang Punong Ministro ng BARMM na si Al-Haj Murad, na kilala rin bilang Ahod Ebrahim, ay inutusan ang mga tanggapan sa pamahalaang panrehiyon na magsasagawa ng isang walang kinikilingang pagsisiyasat hangga’t sa matuklasan ang katotohanan.

Tulong ng MILF

Sabi ni Sobejana,

“We will let the ‘bayanihan’ spirit work to give justice to the victims and ensure protection of the people from harm,”

6,000 Katao Napilitang Lumikas Matapos Maganap Ang Pagsabog Sa Maguindanao 6
Source: Facebook

Pumirma ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng isang kasunduang pangkapayapaan sa panrehiyong gobyerno noong 2014 at ngayong kumokontrol sa BARMM.

Bilang bahagi ng kasunduang pangkapayapaan, ang mga dating miyembrong pansandatahan ng MILF ay ipinagkaloob ang kanilang mga sandata sa gobyerno sa ilalim ng decommissioning process.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: