Press "Enter" to skip to content

7-anyos Na Bata Pumanaw Dahil Nabangga Ng Aso; Amo Ng Aso Dedma

Isang ina ang punong-puno ng paghihinagpis ngayon dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang anak. Ito ay nang dahil sa isang aso na nakawala sa kanyang tali.

Nakawalang aso

Isang post ng paghingi ng tulong mula sa inang nangungulila sa pagkawala ng kanyang anak. Ang kanyang anak na si Samuel Malazarte Antipuesto, 7-taong gulang ay nasawi noong ika-29 ng Setyembre. Ayon sa ina, nabangga ang kanyang anak ng isang malaking aso na nakawala sa pagkakatali. Nangyari ang insidente noong dalawang araw bago bawian ng buhay ang biktima. Marami umano ang nakasaksi sa insidente, bandang 12:30 ng tanghali.

7-anyos Na Bata Pumanaw Dahil Nabangga Ng Aso; Amo Ng Aso Dedma 2

Insidente

Sa tapat lamang ng bahay ng biktima nangyari ang insidente , mga dalawang metro lamang ang layo sa pintuan ng kanilang bahay sa Tabing Ilog, Bacoor City, Cavite.

7-anyos Na Bata Pumanaw Dahil Nabangga Ng Aso; Amo Ng Aso Dedma 3

“binangga po sya ng asong nakawala sa tali ng may ari, malaki po yong aso nya marami po ang nakakita sa pangyayari, nangyari po ito noong september 27 linggo po alas 12:30, ng tanghali”

Nasawi ang kaawa-awang bata dahil sa brain injury na syang naging dulot ng pagkakatumba nito mula sa pagbalya sakanya ng malaking aso. Nagreklamo naman sa barangay ang ina ng biktima laban sa mga may-ari ng nasabing aso. Sa tatlong beses na paghaharap sa barangay ay tila walang nangyari.

Dedma

Pilit na itinatanggi ng mga may-ari ng aso na ang kanilang alaga ang syang naging dahilan ng pagkasawi ng bata. Hindi anila lingid sa kaalaman ng mga ito na sangkot ang kanilang aso sa insidente.

7-anyos Na Bata Pumanaw Dahil Nabangga Ng Aso; Amo Ng Aso Dedma 4

“una naming harap sa barangay, wla parin nangyari, pangalawa naming harap dumideny na po kahit alam nila na kanila talaga yong aso ang naka disgrasya sa anak ko, pangatlo po tawag sa kanila ayaw na po nilang humarap sa amin,”

Wala din aniya balak makipagareglo ang mga ito sa pamilyang naagrabyado.

“kahit pa daw sino ang pupunta hindi daw talaga sila makipag areglo sa amin, kahit pa daw pulis ayaw nila talaga sumama mag asawa,”

Hustisya

Hangad ng pamilya na makuhaan ng hustisya ang kanilang anak. Marami ang nagpabatid ng pakikiramay sa pamilya.

#raffytulfoaction sir raffy hihingi po ako ng tulong sa inyo para po sa hustisya ng anak ko, sya po si SAMUEL MALAZARTE…

Posted by Samuel Antipuesto on Wednesday, October 7, 2020

Source: Samuel Antipuesto

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: