Press "Enter" to skip to content

70-anyos Na Lola, Nagtitinda Pa Rin Sa Lansangan Sa Gitna Ng Covid

Upang hindi maging pabigat sa kanyang mga kaanak, isang 70-anyos na lola ang patuloy na nagtitinda sa lansangan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at enhanced community quarantine sa kanilang lugar.

Tuloy ang paghahanap-buhay

Ayon sa ulat ni Ivan Mayrina sa GMA News “24 Oras”, pinipilit ni Lola Flora na maghanapbuhay pa rin sa kalye ng Maynila sa gitna ng peligro na dulot ng COVID. Ito’y para hindi na raw siya umasa pa sa kanyang pamangkin na nasa Bulacan.

70-anyos Na Lola, Nagtitinda Pa Rin Sa Lansangan Sa Gitna Ng Covid 2
Photo credit: GMA Network

“Yung tinitirhan ko sa Bulacan pamangkin ko e lagi sila nag-aaway mag-asawa kaya magtitinda-tinda muna ko. ‘Para makatulong ka rin,’ sabi ng asawa, kaya umalis ako,” sabi ng matanda.

Pagsuway sa quarantine

Isa si lola sa mga hindi umiinda sa COVID at nagbabanat pa rin ng buto dahil sa matinding pangangailangan ng kabuhayan. Ito’y kahit pa patuloy na hinihigpitan ang umiiral na community quarantine sa Maynila.

Sabi pa ng isang tricycle driver na si Nognog, “Okay lang po sa’kin (magtrabaho) kesa mamatay sa gutom na nakadilat”.

Epekto nito

Paulit-ulit na pinapaalahanan ng mga taga-barangay ang mamamayan ng Pritil Market, Tondo na maglagi sa kanilang tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Ngunit marami pa rin ang sumusuway at lumalabas na pakalat-kalat sa lansangan.

70-anyos Na Lola, Nagtitinda Pa Rin Sa Lansangan Sa Gitna Ng Covid 3
Photo credit: CNN Philippines

Dahil dito, mas nahihirapan ang lokal na pamahalaan na ma-disinfect ang lugar.

“Siguro hangga’t hindi sila nagkakasakit, hindi sila titigil e o hindi sila makikiisa. Ang problema natin, kapag ang isa nagkaroon, pasok sa pamilya, buong komunidad madadamay,” sabi ni Erwin Terana ng Manila City Engineering Department.

Babala sa matatanda

Ayon sa mga eksperto, ang mga senior citizen ang isa sa mga pinakanamemeligro na mahawaan ng virus at mas dadag banta pa kung sila’y meron nang naunang sakit.  Marami kasi ang bilang ng mga matatanda na pumanaw bunga ng komplikasyon ng COVID-19.

Payo ng DOH na huwag na munang lumabas ng bahay upang maiwasan na mahawa sa virus.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: